C28

13 0 0
                                    

Isang linggo ang lumipas bago namin naiuwi na si Vince sa bahay. Sabi ng doctor ay kahit tatlong araw lang siya sa hospital, pero nag pumilit akong manatili muna siya roon hanggang sa magaling na talaga siya. Wala na silang nagawa pagkat pag sinabi ko, iyon ang susundin.

Tinuon ko lahat ng atensyon ko kay Vince nung mga oras na iyon. Paminsan minsan ay tinutuon ko ang atensyon ko kay Andi pero panatag na ang loob ko dahil nandyan si Kenji para sakanya.

At dahil may oras na ako ngayon, Muli ko nang naalala ang trinabaho namin ni Davin. Si Simon. Kahapon, nakwento ko kay Vince ang dahilan kung bakit nasa Police Station ako nung mga hating gabing iyon. Kitang kita niya sa ekspresyon ko ang pag aalala ko sa bata kaya inintindi niya ako. Hindi niya inaasahan na tinuloy ko parin pala ang pag imbestiga ko sa bata, kaya naman  Nagpasya na siyang tumulong saakin muli. nung una ayoko pero tumango na lang ako kasi magaling din naman talaga kumuha ng impormasyon itong si Vince. Pag pinagsama ang talento nilang dalawa ni Andrianne ay talagang mapapadali tong paghahanap ko kay Simon.

Kaya naman inamin ko sakanila ang totoong nangyari. Dahilan kung bakit nabaril si Vince. Syempre, sermon ang nakuha ko kay Andi. Si Melissa ay nadismaya, akala niya nag date talaga kami ni Vince tas napikon daw ako kaya tinutukan ko ng baril si Vince, tapos si Kenji ay sinasamaan ako ng tingi. Alam ko na ang ibig sabihin non. Nagtatampo siya pagkat hindi ko siya binigyan ng trabaho bilang isang Shadow Men ko. Aba, ayokong dalawang beses masermonan ni Andi. Masakit sa tainga.

Kaya naman nag daanan ang dalawang araw, tinulungan ako ni Andi at ni Vince. Ewan ko, basta kung ano anong mga ginalaw ni Andrianna sa Laptop niya habang si Vince ay binibigyan lang siya ng mga alam niyang pwedeng mahanapan ng impormasyon. Hinayaan ko na sila doon habang si Darvin naman ay inutusan ko lang na bantayan ang construction site dahil baka lilitaw si Simon o ang isa sa pamilya niya.

Ganoon lang ang nangyari sa mga oras na iyon. Si Kenji at Melissa ay nakikipag laro kay Maziel. At kung tulog naman yung bata ay nakikihalubilo sila saaming tatlo.

Kaya naman ngayong gabi, tumigil muna kami satrabahong ito dahil itutupad ko muna ang pangako ko kay Vince na kakain kaming dalawa sa labas. Nagulat nga siya nung ako mismo ang nag aya sakanya kanina. Sa harap mismo ng mga kaibigan namin. Syempre, si Mel ang nangungunang kinilig.

"Sige na! Konti lang... So that your lips can have a color!" Pagpumilit ni Melissa

Nilayo ko ang mukha ko sakanya. Pinipilit niya talaga na lagyan ako ng lipstick kaso ayoko. May kulay naman ang mga labi ko. Hindi naman ako ganoon kaputla. Si Andi naman ay tumatawa lang habang sinusuklayan ang buhok ko.

Pinagbigyan ko na sila na ayusan ako sa simpleng paraan lang. Suklay ng buhok, perfume, binigyan pa ako ng tips ni Melissa kung ano ano yung pwedeng pag usapan namin ni Vince mamaya.

Muntik pa nila akong ipasuot ng dress ni Melissa na hanggang tuhod ang abot tapos kaunting kita ang likod. Minura ko sila at sinabing patayin nalang nila ako.

Kaya sa huli, pormal na damit lang. Puting blouse, masikip na back jeans, tapos mag susuot na lang ako ng heels. Sapatos sana kaso lumuhod si Andi at Melissa sa harap ko para lang mag suot ako ng heels.

Hindi talaga sila tumayo hanggat hindi ako umo-oo kaya sumuko na ako. Hinayan ko si Melissa na lagyan ako ng necklace na niregalo niya saakin pero hindi ko sinusuot kasi hindi ako sanay, tapos yung kaparehas nitong earrings.

Nang matapos, tinignan ko ang repleksyon ko at napamasdan sa sarili ko. Bagsak na bagsak ang buhok ko at nagbigay ng kulay ang mukha ko. Naglagay nga talaga ng kaunting lipstick si Melissa. Sapat na talaga iyon dahil naging komportable ako kahit papano.

Pumalakpak si Melissa at ngumiti. Si Andi naman ay inayos ang buhok at pinatong ito lahat sa likod ko tapos hinawakan ang balikat ko sabay tingin rin sa salamin.

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon