C24

10 0 0
                                    



Yvonne Bernabe. 27 years old. Registered Nurse at Guwana Medical Hospital. 

Sabi sa Case File ay limang pasyente na ang nabawian niya ng buhay sa paraan ng pang aabuso ng kanyang position o trabaho. Ika-naman sa impormasyon na nakuha ni Vince ay nakatatanggap lamang ito ng anonymous na mensahe kasabay ng perang pinapadala sakanya. Pangalan, Edad, at kung saang kwarto sa hospital nila ang pasyenteng papatayin niya. 

Hindi namin alam kung paano, pero suspek namin ni Vince ay baka nag post ito ng anonymous throug online. Sa pag hack naman ni Andy ay tama nga ang hinala namin. May Anonymous na account sa tinatawag na Dark Web itong si Bernabe. Nabasa din namin ang mga chats niya sa mga kliyente niya. 

Sa dalawang buwan, lima na agad ang natapos niyang trabaho. At nung dalawang buwan lang siyang nagsimulang maging demonyong kupal.  At ang pinaka mababa na perang nakuha niya? 30 Thousand Pesos. 

"Kaya kong tanggalin tong account niya. O gawing restricted." Suhestyon ni Andi. 

"Huwag na muna. Dyan natin malalaman kung may bagong gagawin nanaman siyang karumaldumal." Sabi ko

"So, We are just going to hintay if meron na siyang new biktima?"  Ngiwi ni Melissa, Nakita ko namang gumilid ang tingin sakanya ni Kenji dahil sa pananalita nito.

"Oo." Sagot ko kay Mel tapos ay nilingon si Andi, "Bantayan mo lang. Baka sakaling mag online ang Target at may bagong kliyente nanaman siya." Tumango si Andi saakin

Tumayo na ako, "Kapag meron na, saka na tayo gumawa ng plano."

Umaga iyon nung nag meeting kami tungkol sa bagong kaso. Kaya naman wala masyadong ginawa sa mga sunod na oras. Ang pag bantay ni Andi sa hinack niyang account, ang siyang pag ako ni Kenji sa pag babantay naman kay Maziel. Si Melissa na ang luto ng tangahalian namin. Tumulong lang kaming dalawa ni Vince. 

Nasa sala na si Andi. Kanina, sumabay siya saamin kumain, ngunit nang matapos ay bumalik kaagad siya sa pwesto niya. Sinasamahan na siya ngayon ni Kenji habang si Mel naman ay pinatulog na si Mazi sa itaas. 

Naiwan tuloy kami ni Vince na naglilinis ng kusina. Nililinisan ko yung lamesa habang siya yung naghuhugas ng mga plato. Sinilip ko muna siya bago nilapag sa tabi niya nag mga maduming baso. Tapos ay bumalik ako sa lamesa para ayusin ang mga upuan.

Nang matapos ay  tinignan ko si Vince. Nakatalikod lang siya saakin at siguro patapos na rin siya sa ginagawa niya. 

"Do you have something to say?"

Para akong nabunutan ng tinik. Sinarado niya ang gripo tapos pinatuyo ang kamay niya sabay lingon saakin. Sumandal siya sa likod ng lababo tapos tumitig saakin. 

"Wala." Sabi ko

"Okay, Then." Sabi naman niya.

Natahimik kami sandali, "S-Sige. Puntahan ko na muna sina Andi..." Buong lakas akong nag salita muli at dali daling umalis sa kusina.

"Triza! Meron na!"

Saktong pag tungo ko ng sala ay tinawag ako ni Andi. Agad akong umupo sa tabi niya at tumingin sa screen. Online ang target namin. Gumagalaw mag isa ang screen pagkat si Yvonne Bernabe ang gumagamit at pumipindot ng kung saan saan sa cellphone niya o hindi kaya sa laptop niya. 

Maya maya ay may nag mensahe na sakanya. Napa upo ako ng maayos at tumitig ng seryoso sa screen. 

Anonymous Client:

How much do you accept?

NurseKiller:

How much do you offer?

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon