C26

10 0 0
                                    

Saktong pag baba ko ng telepono ay narinig ko na ang sigaw ni Andi galing sa baba na tinatawag na ako para sa umagahan. Nasa kwarto kasi nung mga oras na iyon, katatapos pang makipag usap sa tawag sa mga bata. Akala ko pa ay si Jena ang tumatawag saakin sa ganitong kaagang sikat ng araw ngunit nang marinig ko ang boses ng mga bata, Napadikit ako sa kama ko at kinausap sila na tila bang wala nang bukas.

Pag dating ko ay nagpakandong saakin ang anak ni Andi kaya sa buong oras ng pagkain ko ng tanghalian ay buhat buhat ko si Maziel.

Wala kaming panibagong trabaho o hindi kaya wala kaming balita kay Jena tungkol dito. Siya na ang nag report ng kaso namin kay Yvonne Bernabe, na siyang nireport namin sakanya.

Nung mga hapon na iyon ay kinakailangan kong umalis pagkat magkikita kami ni Darvin upang mahugit na niya ang mukha ni Simon. Nag aalala lang ako sa bata, gusto ko lang malaman kung nasaan siya. Mapapanatag lang ang loob ko kung makikita mismo ng dalawa kong mata na namumuhay siya ng ayos.

Tatakas na sana ako kaso pag labas ko ng bahay ay tumawag si Darvin saakin.

"Ma'am, May impormasyon po akong nahanap. Hindi ako siguradong tamang bata ba ang nahanap ko pero nandito po ako sa labas. Limang bahay ang layo mula sa bahay niyo."

Kumunot ang noo ko. Bakit siya nandito? Hindi na lang niya hinintay na puntahan ko siya. Baka makita siya ng mga Kaibigan ko. Tsk. May takot ba talaga ito saakin? Parehas talaga sila ni Kenji na pinapangunahan ako-kahit alam ko may mga oras na yun naman talaga ang gusto kong gawin nila.

Tahimik akong limabas ng bahay at tumingin tingin sa kung saan. Nang makita ko ang anino ni Darvin ay naglakad ako papunta sa kung saan siya. Tama siya, limang bahay pa ang layo niya saamin.

Lumiko ako ng dinadaanan, pumasok ako sa gilid ng bahay na malaking pader ang pagitan sa isa pang bahay kung saan naroon si Darvin nag hihintay. Patago ang mukha niya at hindi siya agad makikilala, may dala siyang envelope at nang makalapit na ako ay inabot niya iyon saakin.

"Pasyensa na po, sabi niyo kasi ay nagmamadali kayo kaya kayo na mismo ang pinuntahan ko." Aniya sabay kamot sa batok.

"Just work behind the shadows next time, Darvin." Kalmadong sabi ko habang binubuksan ang envelope at tinignan kung ano ang nasa loob.

"Opo,"

Naka kunot ang noo kong nakatingin sa tila papel. May litrato ng nga truck, lupa, tila isang proyekto sa kung ano mang gagawin nila sa sinisirang lupa. Nakapunit ito sa news paper, pero may nakasulat sa headline na Sergio Santiago, a Business Man, Corporate Lawyer, Millionaire. Gumasto ng libong libong salapi sa pag papagawa ng building para sa kinabukasan.

"Maling bata naman yata ang hinanap mo?" Taas kilay ko kay Darvin. Sabi ko bata, hindi matanda na Milinaryo na wala naman akong pakialam.

"May nga ibang litrato pa po," Aniya sabay kuha saakin nung punit na news paper, tapos hinaayaan akong kumuha pa na kung ano lang laman ng envelope.

Litrato iyon sa malapitan na kamukha sa newspaper. Mga Maliliit na bahay, Bahay na gawa sa sako at sira sirang atip, na tila sinira dahilan kung bakit sa susunod na litrato, wala na ang bahay. Bakanteng lote na ang meron.

"Wala akong maintindihan, Darvin."

"Bahay po iyan ng batang hinahanap niyo, Ma'am." Napaangat ang tingin ko kay Darvin.

"Sigurado ka ba?" Tumango siya saakin

"Nag tanong tanong po ako sa malapit. Tungkol sa batang nag bebenta ng sigarilyo at nga kendi, Diskarte ko na lang ho kung paano. Hanggang sa may isang impormasyon akong nakuha sa babae na ang bahay na iyan ay munting tirahan nila na sinira ng mga trabahado dyan. Nanlavan sila ngunit sa huli, nakalayas sila. Sabi sabi raw ay binigyan sila ng pera kaya agad silang nawala na lang. Ang iba naman ay sinabing tinakot sila kaya hinayaan nilang sirain ang bahay nila."

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon