C22

7 0 0
                                    

"Nandyan na ang mga taga Toture Department."

"Grupo nina Mendez?"

"Ay hindi tol, yung kay Dugder."

Lumingon ako sa mga grupong naglalakad papunta dito sa training area. Anim sila. Dalawa ang babae at lalake na ang iba. Yung mga suot nila ay hindi katulad saamin, halata na isa na silang official group. Pero hindi pa Mafia.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa may kinakausao sila tapos ay lumabas na ulit ng Training Area. Maliban sa dalawa na nag paiwan, nakikipag kwentuhan pa sa dalawa pang trainee.

Umiwas na ako ng tingin at binalik ang atensyon ko sa pistol na hawak ko. Nagsasanay ako kung paano i-disable at pagkatapos ay i-set up itong muli. Nahihirapan ako, magkadikit ang mga kilay ko at konting konti na lang matayapon ko na ito pero kailangan kong matuto. Nakakahiya rin dahil may mga ibang mga tao dito na mas mahaling saakin, na mas karapat dapat na maging Mafia.

"Puta." Bulong ko dahil hindi ko mapasok yung magazine ng baril. Ito ang isa sa mga simpleng pag set up pero hindi ko magawa gawa.

"Here,"

May kumuha sa baril ko, pag lingon ko ay... si Vince Tamayo iyon. Siya yung isa sa mga nakilala namin ni Andi dito. May dalawa siyang madalas kasama pero mukhang wala sila rito ngayon.

"You're facing it the wrong way." Sabi niya tapos niliko ang magazine at pinasok iyon.

"See? All good. You just have to look on the other way when things get rough." Ngumiti siya saakin sabay abot ng baril.

"A-Ah..." Sabi ko at kinuha ang baril.

Para pa akong bata na hindi alam ang gagawin. Hindi siya umaalis sa tabi ko at wala na akong gagawin. Mamaya ko pa planong mag punching bag eh. Mag papalit pa ako ng damit.

"Where's your friend? Andrianna?" Tanong niya saakin

"Nasa office ni Jena." Sabi ko

"Oh. Okay..." Aniya

Tumahimik kami pareho.

"Sige, alis na ako." Sabi ko at hindi na siya hinintay mag salita. Basta lumayas na ako roon.

Lumabas na ako ng tuluyan sa training room at tumuloy sa lobby. Lumapit ako sa mga paglalagyanan ng bote ng tubig at kumuha ng isang bote para uminom.

At dahil naalala kong nasa motor ko pala yung ekstra kong damit, tumuloy na lang ako palabas ng organization habang iniinom ang tubig ko.

"Give way, It's Mendez's Group!"

"Their Leader is good looking but nah, I can't stand the dark vibe."

"They'll be soon Mafias. Hindi na ako mag tataka kung si Zivho na ang sushnod na Jefe."

Ewan ko ba kung normal lang ba sa mga tao dito ang nag bubulong-bulungan. Sino nanaman ba pinag uusapan nila? Sikat ba ang mga tao dito?

Ininom ko ang tubig ko at hindi tumingin sa mga taong nakakasalubong ko. Wala akong pakialam.

Matapos akong kumuha ng aamit ay bumalik ako ng training area dahil doon na lang ako mag papalit. May pwedeng pag palitan naman roon. Tapos mamaya ay pupunta na ako kina Andi.

"The one who's orphan? Yung nakita ng mga Mafias sa compound ng target nila?"

"Oo. Triza at Andrianna yata mga pangalan nila."

Napatigil ako sa paglalakad at nagtago sa likod ng pader nang marinig ang pangalan ko at ni Andi.

"Hindi ko nga alam anong meron sa dalawnag iyan at pinasok dito sa Organization. Sa tingin mo, Mga traydor sila noh?"

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon