Epilogue

18 0 0
                                    


Epilogue of Circle Squad.



Three years ago,

First ever Case.

"Kung ang english ng bola ay ball, ano naman ang english ng bola bola?"

"Ball... Ball?"

"Leader oh, bastos bunganga ni Melissa."

"What the fuck?!"

Hindi ko pinansin ang bangayan ng dalawa. Nasa likod silang tatlo habang si Vince ang nag d-drive. Katabi nito ako.

Kasalukuyan kaming pupunta ngayon sa adress ng kauna unahang kaso namin.

Dalawang buwan matapos nahuo ang grupo namin at siyang pag kakaroon ng sariling bahay namin. At ngayon, may kaso na kami.

"Ang baho ng pangalan. Antonyo Dela Cruz. Ang pangit pa ng spelling anak ng..." Sabi ni Kenji na ikinatawa ni Melissa. Maging si Vince sa tabi ko ay natawa ng mahina

"His face is ugly too. Halatang kriminal. Feel ko nasubsob ang face niya sa putik when he was like bata pa. Ew." Sabi naman ni Melissa.

Natawanan ang dalawa na ikina iling iling ko. Sinuway lang sila ni Andi kaya napatahimik na.

Antonyo Dela Cruz. 53 years old. Isang retired na Sundalo. Wala siyang kriminal record pero may karumaldumal na ginawa na nalagpasan ng hustisya ng korte. Rape at Murder.

Sa trabahong ito, papatayin namin siya. Iyon ang parusang ibibigay namin sakanya pagkat tatlong babae ang nabiktima niya. Labing-anim na taong gulang, labing-apat na taong gulang, at dalawampu't dalawang taong gulang.

Tinigil ni Vince ang sasakyan. Hindi muna kami bumama at nagmasid muna sa paligid. Sinigurado rin ni Andi na walang makakakita saamin at walang ebidensyang maiiwan ng kokonektado saamin kung sakali bago kaming bumaba lahat at napasilip sa bahay na nasa harap namin.

Madilim ang gabi at tanging kaliwanagan ng buwan lang ang nagbibigay ilaw sa daan.

"What I hate about people, are murderers. But it now adds one. Rapists." Sambit ni Vince

"Ano, Di? Babalatan ba natin ng buhay?" Salita ni Kenji kay Andi na tumawa lang.

"So?" Ramdam kong tingin saakin ni Melissa

Nilabas ko ang revolver ko at tinignan muna ang mga bala ko bago sinetup ito at tinaas ang tingin sa bahay na nasa harap namin.

"Que empiece la matanza." Ngisi ko.





Six years later, present day.

"Where's the opener?! Nandito lang iyon kanina!"

"Mata kasi ang pinaghahanap, Mel! hindi bunganga mong nililibag!"

"Shut up, Kenji! Hindi nililibag ang mouth!"

"Eh ano tawag sa bibig mo?"

"Kenji! Umiiyak ang anak mo!"

"Opo Misis ko! Heto na ako Maziel, andito na ang papa..."

Tinulungan kong mahanap ng wine opener itong si Melissa. Nang makita kong nasa tabi lang at nakatago sa gilid ng mga baso ay kinuha ko iyon at blankong ekspresyon na inabot sakanya. Ngumiti naman siya saakin at nag peace sign.

Umalis ako roon at tumungo papasok sa bahay para pumunta ng kusina at kumuha ng mga plato at iba pang gagamitin.

"I can bring this, Mendez. You can bring the plates."

CIRCLE SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon