Two: Reason

70 5 0
                                    

~~~

Isang buwan na rin nung last na bumisita si Vriz dito. At hindi rin ako masyadong nakakauwi sa bahay. Okay lang yun. Kung nandun siguro ako, wala nanaman masyadong mangyayari kundi bangayan. Kaya mas maganda na nandito lang ako sa condo. Papadalan ko nalang sila mamaya. Ganun ginagawa ko everytime na hindi ako makakauwi sa bahay. At napansin ko na medyo nakakabored na dito sa condo kaya naisip ko na magmall muna. Haha.

~~~

Minutes passed at nandito na ako sa mall. Narealized ko na nakakabagot lalo dahil magisa lang akong nagsasaya. Naalala ko nanaman ang sinabi sakin ni Henry non, na habang buhay mag iisa ako. Paano niya yun nasabi ? Kasi isa lang naman akong nagrerebelde non. Wala akong ginagawang tama. Pero habang tumatanda ako ay naisip ko na
Hindi naman eh. Tama lang pala yung ginagawa ko dati kasi kung di ko ginawa yun, wala akong mararating. At siguro wala rin akong mapapagmalaki sa kanila. Lalo na sa ina ko. But then, ayokong manumbat. Ayokong gawin sa mga tao ang ginagawa nila sakin. Masakit kaya.

"Penny for a thought ?" Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko dito sa starbucks. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko siya. Agad ko siyang niyakap. "Yul ! Omy. Namiss kita !" Kumalas na ako at umupo "kelan ka pa nakabalik sa Pilipinas ?" Gumanda siya lalo. How i wish kasing ganda ko tong babaeng to. Bestfriend ko siya aside from Vriz. Magkakilala sila, actually nung nakilala ko si Vriz. Di ko talaga alam na magkakilala din sila eh pano kasi. Magkasama kami nun ni Yul at nalaman ko na magkakilala din sila dahil naging magkaklase sila nung high school.

"Im fine. Heto, may inaasikaso kasi ako ngayon. Teka nga.. hindi mo naman sinagot yung tanong ko kanina eh. Ano bang iniisip mo diyan at parang ang lalim ?"

"Nakuu. Wala yun, nagrereminisce lang ako. Mabuti nalang at nakauwi ka na. At dahil wala ka naman sigurong gagawin ngayon. Ikaw at si Vriz lang naman ang pwede kong makasama." Right. Silang dalawa lang ang malapit sakin wala ng iba. Meron iilan pero hindi ko sila masyadong nasasabihan masyado. Not that i dont trust them. Kahit yung dalawa eh hindi ko masyadong nasasabihan. What i mean is. Hindi nakikita nung iba kung sino talaga ako kundi ang dalawa lang.

Nagmalling kami ni Yul hanggang sa mapagod kami. Umupo muna kami sa starbucks uli. Syempre nagkecrave ako ng blueberry cheesecake at cappucino. Umorder na kami.

"Ghan. Tell me what happened to you since i left." Napatitig ako kay Yul na sa kasalukuyang humihigop ng kanyang frappe. "Nothing. Ganun pa rin kung anoman ang nalalaman mo. Lumala siguro i guess ?" Tinignan niya ako. Alam kong naghihintay siyang magkwento ako. "Yul dont look at me like that. Wala naman akong ikukwento kasi wala namang nagbago. Lumala lang pero alam mo namang keri ko yun ano. Hindi naman kelangan magdrama ako kasi alam mo naman na ako ang kontrabida lagi noh. Haha !" Im just making sure na maconvince ko siya dahil ayoko ng inaalala ako. Ayoko ng pinapakita ng iba na nakakaawa ako, na kelangan ko ng karamay. Kasi pinapamukha sakin lagi ng mga tao na nagpapaawa ako. Na masyado akong mataas. So whats the used of pleasing them kung ayaw naman nila sayo. Hinding hindi ko ibababa ang pride ko sa ibang tao para lang mahalin nila ako. Ito ako. Kung ayaw nila. Papakita ko na ayaw ko rin. Never i will do that thing to other people just to love me back.

"Okay. Sabi mo eh. But please Meghan, wag mong pairalin ang pride lagi. Wag mong papairalin ang pagtatapang tapangan mo kung alam mo naman na sa sarili mo na mahina ka na. May mga bagay na kailangan mong ibigay ang sarili mo not just your heart but your soul di para maging mababang tao. Pinapakita mo lang na kaya mong magmahal ng totoo. Kasi masama yan. Its not healthy Ghan. Okay lang na magbaba paminsanminsan kasi masarap sa feeling. Marami kang matututunan kung fair ka lagi lumaban. Wag sa isang side lang. And i want to assure you that no matter what, andito lang ako. Andito lang kami ni Vriz."

Niyakap niya ako pagkatapos niyang sabihin yun. Nagets ko naman ang sinabi niya pero di ko alam kung magagawa ko yan. All i know is im just being with who i am. At thankful ako dahil may mga tao pa ring kaya akong mahalin kahit magulo ako.

Kinabukasan, Natapos ko lahat ng kelangan kong gawin. Siguro uuwi na ako sa bahay. Baka magtampo pa si mama. Tinext ko si mama na uuwi ako. Kahit di niya ipahalata ay naramdaman kong sabik na siya sa paguwi ko.

I packed my things at nilagay na sa baby ko. Yup ! Pinagipunan ko rin yan noh. Meron din sila mama. Gusto ko kasing makabawi. Pero tingin ko kulang pa yon dahil aloof ako sa kanila.

Two hours din ang byahe papunta sa bahay. At andito na ako. Astig diba. ?

"Ma." Shet ! What did i say ?! Sana di niya damdamin yun. Ayokong magexplain kasi nahihiya ako.. napatingin siya sakin na mukhang nagulat pero di niya masyadong pinahalata at biglang ngumiti. Teary eyed din siya. TheF*ck. Ayoko nito. Madrama. "Si henry ?" Sana makisakay siya kasi takot talaga ako sa confrontation. No. I hate it.

"Ah. Nasa labas siya may binibili." Tumango nalang ako at umupo. "Meghan, may sasabihin ako." Naghihintay lang ako na magsalita siya "ano kasi.. may kasalanan ako pero sa tingin ko ay alam mo na yun." Ayoko to. Gusto ko ng umalis pero tingin ko mas maganda kung pakikinggan ko siya. Pero mukhang niloloko ko ang sarili ko "Ma.. wag ka na magpaliwanag. You dont have to. Tanggap ko na matagal na. Its been what ? Two ? Three years i think ?.. ahm.. " di niya na ako pinatapos at nabasa niya ata ang nasa isip ko.

"Pinili ko nun si Henry kasi may sakit siya. Napapansin mo naman siguro yun. Mas kailangan niya ako kahit di ko siya anak. Binigay muna kita sa kapatid ko para alagaan. Pagdating mo ng six ay kinuha na kita kasi napansin kong di ka masyadong naaalagaan.. tapos yun.. di ko mapagalitan si Henry tuwing sinasaktan ka niya kasi lalo siya di kakalma. Kaya mas pinipili ko ang kampihan siya. "

tapos na. Yun na yung dahilan. Simula umpisa si Henry ang reason. Pero sino ba ako para husgahan at sisihin si Henry ? Andami kong gustong sabihin pero tahimik lang ako. Kinuha ko ang paperbag sa tabi ko at inabot sakanya. "Yung isa sanyo. Eto kay Henry. Mas gusto ko sanang ako magabot pero baka bago niya tanggapin yan, saktan niya muna ako."

Nagawa ko pang magbiro pagkatapos magdrama. Walang sabi sabi umakyat na ako at nagpahinga. Pero parang niloloko ko nanaman ang sarili ko dahil nakatulala ako sa kisame at bigla nalang naiyak.

"Kung may sakit ba ako mas pipiliin mo pa rin siya? Bakit ni minsan di ko naramdaman na nagalala ka sakin ? Kailangan din naman kita bakit mas inalagaan mo pa siya ? Tapos inisip ko na hindi ako naaalagaan dati ng pinagbigyan mo. Dapat inisip mo na agad yan bago mo ko pinamigay. "

Gusto ko yan sabihin pero wala akong lakas ng loob. Pero iisa lang talaga ang gusto kong malaman. Kahit di ko man yun tanungin sakanya ngayon. Alam kong magkakaroon ako ng lakas nex time para matanong ko.

Sino ka ba talaga Henry ?

~~~

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon