Twenty - three: Naughty

47 2 0
                                    

'Wag..' isang nakakabinging ingay ang naririnig ko. Ano ba iyon ? Luminga linga ako para makita kung anong nangyayari pero biglang nawala ang mga tao sa paligid ko. Nakaramdam ako ng takot.

Tumakbo ako ng mabilis. May dala akong sanggol. Umiiyak na ako.. "wag kang bibitaw." Sabi ko sa baby ko habang tumatakbo. Nakita kong nakatayo si Ashton. Malapit na.

Tumakbo pa ako ng mas mabilis.

Takbo ..

Maaabutan ko na si Ash. Konti nalang.

Nagising ako sa mabibining halik ni Ashton sa mukha ko. Nagkusot muna ako bago tumingin sa kanya. Nginitian ko siya nang magtagpo ang mata namin. "Good morning, sweetie." Nakangiting sabi niya. Niyakap ko siya at nagsalita. "Magtutoothbrush lang ako Ash."

Narinig kong tumawa siya. At tumango. Dali dali naman akong pumunta sa banyo at nagtoothbrush. Pumasok rin siya. Nakangisi siya ngayon. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Ang sweet !.
Yan ang masasabi ko ngayon. Bakit ? Dahil lang naman sa sabay kaming magtoothbrush ni Ashton. Kinikilig ako pero hindi ko pinapahalata. "How's your feeling ?" Napatingin ako sa kanya. Siguro ay sa pagbubuntis ang tinatanong niya.

"We are fine. Lalo na at kasama ka namin." Niyakap niya ako sa likod. Nakatingin lang kami sa reflection naming dalawa sa salamin. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Hawak ko naman siya sa braso niya na nakayapos sa bewang ko. I feel so secured. I can feel his warmth. I can feel his.. O.O7

"A-ash.." i can feel my face turning in tomato. Hinalikan niya ang balikat ko which sent me shivers. Ganito ba kapag buntis ? Sobrang sensitive ng katawan ? Hormones !

Natigil ang paglalandi ni Ash saakin nang may tumatawag sa phone niya. He snorted. I giggled.

Nakatingin lang ako sakanya habang kausap ang nasa kabilang linya. I don't know what comes to my mind. I just found myself being..

Naughty.

Lumapit ako sa kanya sa kama. "What ? Busy ako ngayon Claude.. Alam mo naman kung nasaan ako eh.. okay, ikaw na ang bahala.." habang magkausap sila no kuya Claude ay niyapos ko siya. Niyakap niya ako gamit ang isa niyang braso. Dahil nga inatake ako ng kalandian, hinalkan ko siya sa leeg niya. I heard him gasped. I just continue kissing him. From his neck, going to his jawline.. his chin, his shoulder. Napangisi ako ng maramdaman ko ang pagiging uneasy niya.

"Kuya ta-tatawagan nalang kita." He ended the phonecall. Tinignan niya ako. "You are naughty." I smirked as I saw him wanting me. He started kissing me hungrily. Wait ! Im the one who supposed to seduce him ! Anong nangyari ?

"Are you hungry ? Gutom na kami ni baby." Tanong ko sakanya habang nakahiga sa lap niya at nakabalot ng kumot. We just made.. ahm, love. Hihi !
Hinahaplos niya lang ang buhok ko. "Alam mo bang ayaw ko ng masyadong masaya ?" Napatingin ako sakanya.

Tinuloy ko ang sasabihin niya. "Because too much happiness will give you sadness at the same time, am I right Ash ? Napagdaanan ko na yan. Been there, tuwing nakakaramdam ako ng contentment, or satisfaction.. bigla nalang mauuwi sa disappointment. Hindi ko alam kung ganoon talaga ang buhay. Siguro ay dahil sa sinasabing kailangan ay balanced lang ang lahat ng bagay. Bakit mo nga pala nasabi yan ? Ayaw mo bang maging masaya tayo ?" Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot. Gusto niya bang ganito lang kami pero hindi magsettle ?

"Its not like that Ghan, ang point ko lang is, eto na tayo. Masaya ulit pagkatapos ng paghihiwalay natin na hindi natin ginusto. Now, hindi natin alam kung anong mangyayari.. may maninira ba ulit satin ? Eto na kaya ang time para sating dalawa ? Lalo na ngayon at may baby tayo." hinawakan ko ang kamay niya.

"Pareho lang naman tayong takot eh. Pero hindi ba pwedeng magtake risk tayo ? Sa ginawa kong pagiwan noon. Nagsisi ako dahil kahit wala pang isang taon iyon ay marami na ang nawala. But at the same time may mga natutunan tayo. Gusto kong maranasang magkaroon ng simpleng pamilya Ash. I want us to live longer with each other. With our child. Kahit iyon lang ang maibigay sakin magiging masaya na ako. Pwede na akong mamatay !" Naging seryoso ang mukha niya.

"You won't die." I frozed. May alam ba siya ? Bakit iba ang dating saakin ? Umayos ako ng upo at niyakap siya ng mahigpit. Nagigung madaldal ako sa malalapit sakin, nagiiba ako. Pero ngayon. Kahit ito lang maitago ko kay Ash. Gusto kong maging normal ang lahat. Gusto kong maramdaman ang meron kami nang wala siyang alam. Sorry Ash.

"We will married. You will be a Cristofaro." Its not a question. It a statement. Matutupad na ang pinangarap ko. Thank you Lord.


Dati nababagalan ako sa oras at panahon. Pero ngayon ang bilis. At excited na akong mailabas ang baby namin. "Grabe, nakakabigla ang pangyayari ! Sayang di kami makakauwi. Pero dadalaw kami diyan Ghan. May utang ka pa sa inaanak mo." Natawa ako. Si Yul ang kausap ko ngayon, inaanak ko kasi si Eriz Gail, their daughter. Nakita kong pumasok si Vriz buhat si Eriz. "Oh. Hi bes, baby say hi to ninang.."

Naghi. Din ako. Nakakatuwa. Namiss ko.na sila. For good na ata sila sa France eh ! "Don't worry. Magkikita na tayo pagkinasal na kayo ni Ashton. Tutal dito naman sila eh." Namula. Ako.

Oo. Alam na kasi nila. Nagkuwentuhan kami ng matagal at maraming nalaman. Grabe. Nakakamiss sila.


Umabot ng mahigit isang oras ang kwentuhan namin. Grabe. Di ko maiwasang mainggit sa kanila. Parang wala silang pinoproblema. Ako kaya kelan matatapos ang iniintindi namin ?

~~~

A/N: lame. Sorry ! Babawi ako.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon