Twelve: Small world

46 3 0
                                    

Magkikita kami ngayon ni ate Klauie sa coffee shop sa baba. Nagulat ako kasi nung tumawag siya sakin umiiyak siya. Sinabi niya na nagaway sila ni Kuya Claude kaya naman sinabi ko na magkita kami para may makasama manlang siya. 30 minutes na pero wala pa rin siya. Naiinip ako dito kasi wala manlang akong magawa. 40 minutes. 1 hour. Dadating pa ba siya ?

"Sorry Im Late.." umupo siya sa harap ko at hinihingal pa. Umayos ako ng upo at tumingin sakanya. "Alam mo bang paalis na ako ate ? Buti nalang at naghintay pa ako kahit nakakainip na." Iritang sabi ko sakanya na nagpayuko sakanya.

Bumuntong hininga nalang ako "Ba't kayo nagaway ni kuya Claude ?"

"Akala niya kasi may nangyari samin ni Ashton. Nung nagpunta ka sa unit ni Ashton, wala talagang pinaaabot nun si Claude. Nagpunta ako dun para sana manghinge ng pwedeng isurprise kay Claude para sa anniversary namin. Pero ibang surprise ang naabutan niya. Nagpunta siya sa unit ni Ashton pagkaalis mo. Nakita niya yung itsura ni Ashton.." umiiyak na si Ate Klauie. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kasi ngayon lang ulit may nagkwento sakin simula ng hindi ko na nakakasama si Yul.

Pinagtitinginan na kami dito kaya napatayo ako at tinabihan siya. Niyakap ko si ate Klauie. Ano bayan ! Nakakahiya..

"Shh.. te Klauie, gusto mo sa unit ko nalang tayo para mas malabas mo yan ? Tara na." Tumayo na kami habang hawak ko siya.

"So.. ibig sabihin, namisinterpret ko kayo. Pasensya na Ate Klauie. Bakit kasi hindi mo sinabi sakin agad eh. Wala naman akong ipagsasabi.."

"Kasi.. sabi ni Ashton wag ko daw sabihin sayo. Ewan ko ba dun kung anong iniisip non. Kaya sabi niya hayaan ka nalang daw na magisip ng kung ano." Kung ganon, nagdrama ako sa wala ?

"Eh wala bang tiwala sayo si kuya Claude at nagalit siya agad sayo ?" Nakakapagtaka kasi eh. Kapatid niya naman si Ashton. Fishy talaga eh.

"Ahm.. ano kasi Meghan, naging kami kasi ni Ashton dati. Nagtalo na rin kami dati ni Claude kasi minsan nagseselos siya pag naguusap lang kami ni Ashton. But both of them were very closed to each other." Naging sila ? WHAT ?! tama ako ng hula ! Kaya siguro hindi sinagot ni Ashton nun kasi tinamaan siya. Ang tanong, may.. gusto pa kaya si Ashton kay ate Klauie ? Kasi.. ba't ganun siya nung pinaalis niya ako. Hay..

"Don't worry. Bigyan mo nalang siguro ng space si kuya Claude. Konting lambing lang. Magkakaayos din kayo nun ! Lalo na at magaanniversary na pala kayo !" Pampalubag loob ko.

"Thank you Meg. Pero bukas na kasi yung.. anniversary eh."

"Ano ?! Eh naku.. hindi na kailangan ng space. Lambingin mo na mamaya." Tinulak ko siya palabas. Ang itsura niya nakakatawa kasi nabigla sa inasta ko. Well, ganun talaga. Kung ako banaman ang may asawang ganun ang itsura at mabait pa ! Wag ka ng magpatumpik pa.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si kuya Claude. I dunno why am i doing this. Hindi dapat ako mangelam pero dahil di kami nagkaintindihan nila Ash. Gusto ko na kahit si Kuya Claude ay magtiwala kay ate Klauie.

Ilang ring pa bago sagutin ni kuya Claude ang tawag.

"Hello ?"

"Kuya Claude. Busy ka ba ? May gusto lang sana akong.. uhm sabihin." Baka akala niyo feeling close ako ? Hindi noh. Nasabi ko na ba dati na nahing malapit rin kami dahil nga kay Gab ? Kaya yun. Makapal ang mukha ko.

"Hmm.. di naman, why ? Is that important ?"

"Yup. Actually its about you and ate Klauie. But ! Please. Listen first, nagkaroon lang kayo ng misunderstanding. Andoon din ako nun pero umalis din ako agad. Siguro nagkasalisi tayo. Wala silang ginagawang masama. Kuya -"

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon