Fifteen: His Family

20 2 0
                                    

A/N: nhique's stories page po. XD thanksYou.

~~~

Kanina pa ako kinakabahan simula nung umalis kami ni Ash. Tahimik lang kami sa kotse niya. Mukhang nakaramdam naman siya kaya binuksan niya ang player niya..

'Im not alone, tell me you feel it too.

And I will runaway, I will runaway
I will runaway, I will runaway with you..'

Shit ! Parang iba pagkakaintindi ko ngayon.

"Ba't ka nag mura ? May problema ba ?" Agad akong bumaling sakanyang nagugulat. "Nagmura ba ako ?" Narinig niya ? Ganun ba ako kaapektado sa ginagawa namin ngayon ?

"Nevermind, don't worry my parents wont eat you. Tsaka kilala mo naman si Claude, na friend mo naman din. Pero wag kang masiyadong maglalapit sa kanya." Di nga kami tapos masiyado kung magsalita. Napangiti nalang ako. Paganahin ko kaya pagiging bad ko ? HAHAHA !

"Alam ko. But may I know why here ? Alam ko nasa France ang parents niyo ? May hindi pa ba ako nalalaman ?" Pero hindi niya ako sinagot at nagdrive nalang. Napairap ako at pinatay ang player niya.

Pagkahintong pagkahinto ng sasakyan niya sa bahay nila ay umariba nanaman ang puso ko sa kaba. "Ash, ba't ba natin to ginagawa ? May pagpapanggap bang mangyayari ? Pwes wag mo akong idamay sa kalokohan mo dahil alam mo kung anong mararamdaman ko." Derederetso kong sabi at huminga ng malalim. Aminado akong makapal ang mukha ko pero di niyo ko mapipigilan dahil ayokong nagkikimkim ng hinanakit. Ginagawa at sinasabi ko lahat ng alam kong totoo.

Hinawakan ni Ash ang kamay ko at hinila papasok sa bahay nila. Hindi ko alam kung alam nila Kuya Claude ang mangyayari ngayon. Kasi di sila dito nakatira sa bahay nato. Kumbaga, isa itong bahay na pinupuntahan lang pag may gatherings.

"Dude !" Isang lalaking di ko kilala kung sino. Siguro ay kaibigan ni Ash. Tumingin ito sakin at binalik ang tingin kay Ash. "Who's this lovely woman ?" Bigla naman akong inakbayan nitong mokong nato at hinalikan sa pisngi. Hindi pa sa lips. Wait, what ?!

Napatingin ako sakanya pero nginitian niya lang ako. Oh. Okay. Pretend Meghan.

"Limuel, this is Meghan. Meghan this is Limuel, colleague friend. And by the way dude. She's mine so back off." Natawa yung Limuel sa inasta ni Ash. "New life, eh ? Congratz. Mawawala na ang label naten na bachelor eh ? sige Ton, don muna ako. Bye miss Meghan !" Napailing nalang ako sa inasta nung Limuel. Ton. Yun yung tawag ng karamihan kay Ashton.

Naandito sila Paula. Nagtataka ako kung bakit di ko nakita si Hendrix. Last na nagkita kami ay nung sa bar.

"So, I guess kayo na ni brother-in-law ?" Napaangat ako ng tingin kay ate Klauie. Kumakain kasi kami ngayon ng dinner. Kami nalang nila ate Klauie, kuya Claude, Ash at ako sa mesa. Si Gab nasa living room naglalaro kasama ang mga pinsan. Nagtataka ako kung nasan ang parents nila. Sabi magkikita kami ? Kasama din namin yung dalawang kapatid nila. Si Ashley at Spencer. Si ate Ashley ang panganay. Kakauwi lang din nila galing France pero dun sila nakatira. Umuwi siya dahil sinabihan sila ni Ashton na may gatherings ngayon. Seryoso ba talaga siya ? Si Spencer naman ang bunso. Pero di nalalayo ang age niya sakin. Twenty nine na siya.

"Yes. Kami na ni Meghan, I realized that I can't live alone. I want to settle down and make a family. And Im pretty sure that Meghan is suit being my wife." Ashton, may balak ka bang pahirapan ako ? Ngumiti nalang ako sa kanila at tumango. Kung totoo man ang feelings ni Ashton sakin. Tiyak maiiyak ako sa saya. Kaso alam ko na hindi naman eh..

"Im happy for the both of you. Alam kong magkakaroon ng magandang lahi ang mga Cristoforo. Magkakaroon na ng kalaro si Gabby. Brother, gawin mong kambal. Thirty one na tayo. Mas maganda maaga para makarami." Damn. Ramdam ko ang pagiinit ng mukha ko. Baliw talaga si kuya Claude. Tinignan ko nalang siya ng masama. Natawa sila sakin. Di naman pala sila mahirap kasama. Kung tutuusin, sila pa ata ang nagaadjust sakin dahil di ko pa napapakita ang totoong ugali ko. Yung pagiging maingay ko. Di ko alam kung pinaplastic nila ako o hindi. Masaya ako kasi marami akong nakikilala pero di ko alam kung mapagkakatiwalaan ko sila.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon