Twenty - two: Wedding

44 2 0
                                    

  Let's just say, it's been a month since I discovered Im pregnant with Ash child. Our child. Bukas na ang kasal. Naiisip ko, ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng bukas ? Magkakausap pa kaya kami ? Magkikita ? Siguro pwede pa yung magkita at usap. Pero iba na. Hindi na katulad ng dati.

Lumilitaw na ang baby bump ko. Nararanasan ko na rin ang mga morning sickness. Nakakapagod din minsan pero at the same time nawawala din dahil naiisip kong magkakababy na ako.

First trimester na ako at di ko maiwasang makaramdam ng takot.. natatakot akong may mangyari sakin lalo na sa baby ko. Nakakatakot. Akala ko simpleng buhay ang magkakaroon ako. Pero hindi eh.. parang dinadanas ko rin ang nangyari dati. Inuulit ko lang. At ngayon, nagaalala ako sa magiging anak ko. Paano kung di ko kayanin ? Paano na siya ? Paano kami ?

Tinatawagan ko ngayon si Travis. Kailangan ko ng payo, dahil wala akong alam pagdating sa ganito. Meron kaunti lang pero mas gusto ko pa rin ang sigurado.

"Yes ?" Bungad sakin ni Travis.

"Kelan uwi mo sa Pilipinas ?"

"I don't even know. Im sorry Meg." Napalabi ako. Naiintindihan ko naman kasi may trabaho siya. Pero nadisappoint ako ng konti kasi sabi niya makakauwi siya.

Nagkuwentuhan pa kaming dalawa.
"Sige I have to go." May gusto sana akong ikuwento sakanya kaso mukhang busy talaga siya kaya hayaan na lang.

Napabuntong hininga ako pagkababa ng tawag. Wala na akong malalapitan pa. Mas open kasi ako kay Travis eh. Siya kasi yung tipong nakikinig at nagbibigay ng payo. Si Kyla kasi di ko masabihan pero naandiyan siya lagi alam ko naman yun.

Naisip kong umuwi na ng Manila dahil wala na akong gagawin dito sa Cebu.
Nagempake na ako at nagayos. Pupunta ba ako sa kasal ? Bumuntong hininga ako. Ayoko. Iyon na ang desisyon ko. Hindi ako pupunta, sasaktan ko lang ang sarili ko. Iinggitin ko lang ako at ang anak ko.

Pagkatapos kong magempake ay nagpahatid ako papuntang pier. Okay lang sakin kahit hindi mageroplano. Susulitin ko ang isang araw sa barko.


Ang ganda .. nakatayo ako ngayon sa gilid ng barko. Sa may rails. Nakatingin lang ako sa malayo. Tinitignan ang karagatan. Bukas pa ako makakarating ng katanghalian.

Nakatukod lang ang dalawang siko ko sa rails habang nakatingin sa malayo. Nang tumingin ako sa tabi tabi ko ay iisa ang nakikita ko. May mga kasama silang lahat. Gusto ko man pero wala namang magaapproach din sa sakin. Nakakatakot ba ako ? Tinaas ko ang kilay ko. Edi wag kung ayaw nila.

Pero gusto mo pa rin, diba ? Napabuntong hininga nalang ako. Hinawakan ko ang tyan ko. Bilisan mo baby, para may kasama na mommy mo. Napangiti ako. Alam kong dadating ang araw, may makakasama rin ako. Ayaw man nila sakin. Alam kong kakailanganin nila ako.

Nahagip ng mata ko ang isang matandang babae na nakaupo sa isang stool do'n. Nakatitig lang ako sakanya. Pinagmamasdan ko lang siya. Napansin kong may mga dala siya. Ang dami ah. Luminga muna ako kung may kasama siya pero mukhang mag isa lang siya. Nahihiya man ako ay pumunta ako sakanya, nakita kong napatingin siya sakin pero di rin nagtagal dahil ibinalik niya rin iyon sa mga dala niya at itinatabi niya papunta sakanya. Tinulungan ko siyang magbitbit.

Hindi siya nagpasalamat at kinuha niya lang iyon. Napatitig ako saglit sakanya. Ganun ba kahirap magustuhan ang presensya ko ? Napailing ako. Baka ganun lang talaga ugali ng mga tao at natatapat sakin. Masyado akong nagiisip. Paalis na ako pero nagulat ako sa sarili ko dahil may lumabas na salita sa bibig ko. "Nasaan po ang kasama niyo, la ?" Tumitig siya sakin at umiwas ng tingin. Lumabi pa siya. Napalabi din ako dahil sa inasta niya. "Ahm, taga Manila po ba kayo ?" Inaasahan kong magsasalita siya pero tumango lang siya at ngumiti ng pilit. Okay. Nasaktan ako kahit papaano. Baka may problema lang kaya ganito. Tumango ako sa kanya "ah. Sige po, alis na po ako. Ingat po." Pagkasabi ko nun ay pumasok na ako sa assigned room ko dito.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon