Thirteen: Henry Salvacion

26 2 2
                                    

Plug: Dont you dare, be aware.

Nakatingin lang ako sa kisame ngayon.. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa unit ni Ashton. Pilit kong inalala ang nangyare.

Tinignan ko siya pagkalabas namin. Nabigla ako kaya di ko rin alam kung bakit ko siya hinila. Pagganito naman wala akong pakielam. Pero ngayon kasi may nararamdaman akong niloloko ako. Tama kaya ako ? Huminga ako ng malalim bago siya tanungin.

"Anong ginagawa mo dito ?" I tried to calm as I can. He looked at me with confusion.

"I'm here to visit my .. cousin, how about you ?" Cousin ?

"Pinsan mo si Henry ? Bakit pa siya nasa bahay ? Kayo pala ang pamilya niya eh. Bakit kasama pa namin siya ?" Tumaas ng konti ang boses ko. I can see that he doesn't know anything. Nakakainis ! Ano ba talagang meron si Henry at nagpapakomplikado sa buhay namin ?

"Hindi mo ba alam ? God. Henry is tita Hilda's son. He is -"

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan ? Alam kong wala akong karapatan. Pero.. pano mo naman nasabing anak siya ni.. m-tita ?" Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinabing mama. Naguguluhan ako.

"Si tito Jude Salvacion and tita Hilda has an affair before. Kinuwento lang sakin yun dati ni tito at tita Hilda. Sinabi nila na nagbunga ang pagtataksil nila sa likod ng asawa ni tito Jude. I guess iilan lang ang nasabihan ni tita na anak niya si Henry. Nung nalaman yun ng asawa ni tito Jude ay nagaway sila at namatay ito dahil sa naaksidente. Naging komplikado ang lahat nun. Kaya ang ginawa ni tita Hilda ay itinago si Henry at lumayo. Nawalan sila ng communication ni tito Jude. Dahil narin siguro sa takot na may magawa ang parents ng asawa ni tito Jude. Nalaman din ni tito Jude na may asawa si Tita Hilda that's why he doesn't believe that Henry is their child.

Nakikinig ako sakanya. Ang lakas pa ng loob ko dahil may gana pa akong makinig sa totoo. Buti hindi pa tumutulo ang luha ko. Bakit ganon ? Ba't ang daming nangyayare ?

Pinagpatuloy ni Hendrix ang kwento niya.

"Di alam ni tita ang gagawin kaya nung napanganak si Henry. Ay may kumalat na balita. That she is bearing another child. Di na alam kung sino ang maniniwala sakanya nung nagkaalaman na. Nakakatawa dahil nung pinanganak yung pangalawa niyang baby. Sinabi niyang wala na daw ito.

Di na natuloy ni Hendrix ang kwento dahil tumayo ako at hinawakan siya sa braso. "Tara uminom ? Nakakadepress pala yung kwento ng buhay ni .. tita. Haha ! Im sure na kung buhay man o hindi na ang second baby ni tita ay masaya naman ito ngayon dahil nakatakas siya sa mga problema. Well, kung hindi niya nakilala ang pamilya niya. Tara ?"

Sinamahan ako ni Hendrix malapet sa isang bar dun at dun ako uminom. May tiwala ako sakanya kaya uminom ako ng marami. Hanggang sa sumabog ako.

"Hendrix.." lumingon sya sakin. "I'm the second baby. I know its hard to believe. But, my parents abandoned me. They said they can't took care of me. But damn ! May mga tao silang inalagaan at inaalagaan hanggang ngayon na dapat ako yun..

Humahagulgol na ako. Nabigla siya sa nalaman niya. Hinagod niya ang likod ko.

Wala na akong maalala. Basta ang pinakanatatandaan ko ay kapatid ko sa ina si Henry Salvacion.

"You're awake." Nagitla ako nang maramdaman kong may taong nakatayo sa gilid ko habang naka crossed arms.

"Ash.." then he hugged me. I guess I can trust him right ?

Ilang beses ko na nga bang sinabi sa sarili ko na hinding hindi na ako magtitiwala sa mga tao ? Pero heto ako ngayon. Yakap yakap ang taong mahal ko na alam kong may posibilidad na saktan ako.

Pero wala akong malapitan ngayon.. kailangan ko talaga ng masasandalan dahil nanghihina ako sa mga nangyayari. Nakakadepress. Nakakaloka. Tama na yung mga nalaman ko noon. Pero nadagdagan ngayon. Di ko na alam kung ano pang mangyayari pag umulit pa to.

"Hendrix told me what happened. You're drunk so I brought you here. Sorry for what happened the last time we met. Don't worry. Im here." Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"Ash.. uhm, pwede bang dito muna ako ?" Nagluluto siya ngayon. Nakaupo ako sa counter at nanunuod lang sa kanya.

"Sure. You can stay here if you want. Sabi ko nga diba, andito lang ako. Pwede kang magkwento sakin if you dont mind. Pero alam kong di ka pa ready. Im willing to wait." Humarap siya sakin at ngumiti. I smiled back.

Ang sarap talagang magluto neto. How i wish pag kinasal ako sa taong isang bagsakan lang kami sa isat isa. Walang lokohan, walang sakitan, walang iwanan.

"Meghan.."

"Hm ?"

Ngumiti siya at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

He kissed me.

~~~
A/n: omo !! Its already 95reads. Okay. Natutuwa talaga ako dahil kahit silent readers kayo ay naaappreciate ko ng todo. Pero there's a part of me na gustong may may vote and comment syempre. XD
Pero sabi ko nga sa tropa ko.
Ang pagsulat ng kwento ay parang nagtetext ka lang. Type ka ng type. Nagsheshare ka pero walang nagrereply.. Kadalasan kasi naseseen (sreaders), pero kung may matutuwa. May marereceived kang reply ! Yun naman yung vote and comments sa notifs mo.

Share lang xD

Enjoy reading !

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon