Nineteen: Awkwardness

36 3 0
                                    

Ashton nasa media. XD

~~~

Nagsimula na ang photoshoot. Medyo di ako mapalagay dahil sa kapartner ko. Unti unting nagpaprocess sa utak ko kung sino ang nagmamayari ng kompanyang ito. Kanina lang ay si Jana na sinabing soon - to - be Cristoforo. Ngayon naman ay si Spencer na kapartner ko. Baka magulat nalang ako mamaya, si Ashton na ang kasama ko.

Si Spencer. Kilala niyo na siya right ? Bunsong kapatid nila Ashton. "Okay. Move closer." Kanina pa yan, sabi ni Lenard we must act as a couple. Yun kasi ang imomodel ni Mibs. Supposedly.

Pinapatong ni Lenard ang ulo ko sa balikat ni Spencer. Dinikit ni Spencer ng kaunti ang ulo niya sa ulo ko tapos nagsalita siya. "Long time no see, Meg." Kinilabutan ako sa boses niya. Alam kaya niya ang nangyari samin ni Ash ? Galit kaya sakin sila ate Klauie ?

Hindi ko na pinansin si Spencer at nagpatuloy lang kami sa photoshoot. Buti nalang at hindi na ako pinansin ni Spencer. Pagtapos ng photoshoot ay kumain muna ako sa isang cafe dito sa Cebu. "Hatid na kita.." napatingin ako sa nagsalita. Spencer.

"Ahm, no thanks. May pupuntahan rin kasi ako." Sabay iwas ng tingin. "Kamusta kayo ni kuya ?" Biglang tanong niya sakin. Umupo siya sa tapat ko.

"What do you mean ?" Wala ba siyang alam ? "I mean, kamusta kayo ? Simula ng iniwan mo siya ay wala na kaming narinig sayo. Nagkita na ba kayo ?"

"Hindi. Ka-kamusta nga ba siya ? Sila ni Jana ?" Napakunot ang noo niya. May nasabi ba akong hindi tama ?

"So, hindi pa nga kayo nagkikita o nagkakausap. Mas maganda siguro kung kayo nalang ang magusap. I gotta go now." He patted my shoulder and leave. What was just happen ?!

Ano bang sinasabi niya ? Alam niya naman ang nangyari. Ba't gusto niya pang magkausap kami ni Ash ?

Pagkarating ko sa tinutuluyan ko ay nahiga ako. Oo nga pala ! I forgot to tell, may bahay dito ang tita ko sa Cebu. Yung unit ko kasi nasa Manila. Remember ?

So yun nga. Hindi ako mapakali sa sinabi ni Spencer. May nangyari ba ? Bakit kasi ganun ang reaksiyon niya eh ! Bukas may photoshoot ulit.

Kinaumagahan kinabukasan ay nagtungo na ako sa CCompany. Madaming branch ang company nila. Nagaassume ako na sakanila ang kompanyang ito. At magaassume ako na isang beses ay makakasalubong ko rin ang isa pang Cristofaro.

Pasara na ang elevator nang biglang may humarang nito. Nanlaki ang mata namin dalawa nang makita ang isa't isa.

"Meghan !" I sighed in relief, si Kuya Claude. Akala ko naman.. posible kayang naandito rin siya ? "Kuya Claude.." niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik.

Papunta din siya sa taas. Pati pala si Gab ay nagmomodel na. Namiss ko na si Gab. Nagkuwentuhan kami habang naglalakad. "Nagkita na ba kayo ni Ash ? Ang alam ko pupunta siya mamaya." Mamaya ?! Oh my..

"Hindi ba kayo galit sakin ?" Tumingin siya sakin saglit at ngumiti. "Of course not. Ewan ko lang si Ashton. Alam mo naman yung lalaking yun. May pagka bipo." Nakatawang sabi niya.

"Salamat. Anyway, kuya Claude. Pwede ko bang.. makita mamaya si Gab ? "

"Of course you can ! Hinahanap ka niya non. Mamaya. Mga lunch. You can eat with us." Tumango ako sakanya. Nagpaalam na ako sakanya dahil iba ang room na pupuntahan namin. Kids kasi si Gab. Nakakamiss.

Di naman masyadong nakakapagod ang nangyari. Excited din kasi ako kasi makikita ko si Gab. Namiss ko talaga yung batang yun !

Pumunta ako sa kids room kung saan nagpophotoshoot sila Gab. Bigla akong kinabahan. Nakita ko sila kuya Claude kasama si ate Klauie. "Ate.." napatingin siya sakin at nanlaki ang mata. "Meghan !" Niyakap ko siya. Unti unti ko na silang nakikita. Nakita kong may kargang baby si Kuya Claude ngayon.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon