Nine: Misunderstanding

42 3 0
                                    

"Bes. Kelan kasal niyo ?" Nagkitakita kami nila Vriz at Yul sa isang park. Ngayon na ang last day namin dito. Bukas na ang flight namin. Magwaone month na rin kasi. Gusto nga magpaiwan ni Yul eh. Pero sabi ni Vriz na babalik nalang sila.

"Three months from now. Ano ka ba. Ilang beses mo nayan tinanong sakin bes ! Maid of honor ka pa mandin." Tinawanan ko nalang si Vriz sa sagot niya. Aalis na kami. Aalis na ako. Bakit nakakaramdam ako ng lungkot ? Parang may iiwan kasi ako eh.

Si Gab..

Siya lang ba ? Hayy. Oo na. Kahit si Ashton. Naging malapet na rin naman kasi yung tao sakin. Di ko tuloy maiwasang lumungkot.

"Oh. Wag ka ng malungkot. Gusto mo bang nakawin si Ashton ?" Loko talaga si Yul. Wala naman akong kinukwento pero nabasa utak ko ?!

"Uy. Grabe hindi no. Si Gab kasi mamimiss ko.." ngumisi si Yul tapos si Vriz naman napailing nalang. Hinampas ko silang dalawa sa braso tapos tinignan ng masama. "Bakit ? Dinadamay mo yung bata. Eh yung tiyuhin naman ang mas mamimiss mo panigurado." I just rolled my eyes outward.

"Ate.. when will you come back po?" Nagpadaan ako dito sa bahay nila ate Klauie ngayon. Para masulit ko ang nalalabing araw. What ?! Am i dying ? Haha. "Of course i will. Pero matatagalan lang siguro yun." Tumingin ako kay ate Klauie at Kuya Claude. "Uuwi ba kayo ng Pinas ?" Tumango si Kuya Claude. Well. Kahit wala dito si Ashton. Parang may proxy siya ngayon. Asan nga ba yung lalaking yon ?

"Oo. Uuwi kami sa Pilipinas. Pero hindi pa namin alam exact date." Tumango naman ako at nilaro si Gab. Aw. Knowing na mapapalayo ako sa batang to. Mamimiss ko talaga siya at ang tito niya. Nakakahiya naman kasing magtanong kayla ate Klauie kung asan si Ashton kaya kay Gab ko nalang tinanong. Alam niyo ang sagot ng bata ?

"He's busy today. Why ate ? Miss mo na si kuya no ?" Akala mo matanda na at nakakapanukso ng ganun ?! Nakuu. Masasabunutan ko yung tito niyan kapag di nagpakita eh.

"Meghan, dito ka na magdinner mamaya." Aya sakin ni kuya Claude. "Nako. Wag na kuya, susulitin ko ang paglalambing kay Gab eh." Napatingin sakin si ate Klauie at nagbigay ng meaningful smirk. What did i do ?

"Paglalambing kay Gab ? Sakanya lang ?" Napatingin ako sa nagsalita. Wow. Nagpakita siya kung kelan maggagabi na. Tinaasan ko siya ng kilay. "Malamang. Alangang kay ate Klauie ? Pede rin. Kay kuya Claude kaya ? Nah.. baka maipakulam ako ni ate Klauie.. teka. Sino ba gusto mong idagdag ? Ah. You ! Gusto mong lambingin kita noh ?" Nakita kong nabigla siya. Sila kuya Claude ay napangiti. Well. Sanay na akong lantaran na magbiro sakanya. Natutuwa ako. Atsaka kasi nung nagkakasama kami ni Ashton, ganito kami. Friends. More than friends. But never been lovers. Mukha lang dahil sa asaran. At tumaas ang confidence ko na maging vocal sakanya dahil nagpapakita rin siya ng interest sakin. Honestle speaking, aminado ako na I have this weird feelings thru him but im just enjoying our scene. Our moment with each other. Pero alam kong walang assurance to kung pareho kami ng naiisip o nararamdaman ni Ashton. Kaya just go with the flow ako kahit alam kong may masasaktan. Dahil sabi ko nga. Masaya naman ako.

Umupo si Ashton sa tabi ko at bumulong.. "yes dear. Cuz' i will be missing you." Narinig ko nalang ang bungisngis ng mga tao don at ako si nganga.

"Gab. Ate will miss you.." i hugged him tight and i feel the tiny arms trying to hug me too.. "Gabby will miss you too.. we will see each other again right ?" Aw. He's crying. I wiped his tears using my thumb and kissed his chin "dont cry dear. Babalik ako. Okaya pag umuwi kayo ng Pilipinas magkita tayo. Okay ?" Tumango siya. Tumingin ako kay ate Klauie at kuya Claude. "Ingat nalang kayo sa byahe. And thank you Meghan." Tumango at ngumiti ako sakanila.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon