Six: Box

38 4 0
                                    

Kasalukuyang nagaayos kami nila Yul at Vriz ng mga gamit namin. Naandun sila sa labas ng kwarto dahil ako nalang ang hinihintay nila. Sige na ako na ang mabagal kumilos. Nagsasalamin ako nang may mahagip ako sa tabi ng mini table aa kwarto. Kinuha ko naman to tapos binuksan ko. Ano pa nga ba ? Edi ring. Wow. Just.. wow. Magpopropose ba si Vriz kay Yul sa Paris ? Malayo na talaga kami ni Vriz sa isat isa. Hindi na siya yung dating Vriz na sweet. Pag asa tabi ako, bigla akong yayakapin na kulang nalang maging kami. Pero sabi nga nila. In your dreams !

Nasasaktan ako. Eto yung ayaw ko eh. Yung ang magiging karibal ko pa ay yung bestfriend ko. Matatanggap ko pa sana kung hindi si Yul eh. Nasira ang pagdadrama ko nang kumatok si Vriz sa kwarto. "Are you done Ghan ?" Medyo naging cold na rin si Vriz sakin. Siguro dahil inaalam niya ang limitasyon. Pero alam naman naming tatlo kung gaano kami kaattached sa isatisa. Kailangan bang may magbago ?

"Yup. Patapos na. Wait lang." Sigaw ko pabalik. Sabi ko okay lang na kasama sila eh. Bakit nga ba kasi kasama sila ? Simplr lang Meghan, to prove how much they love each other. At masakit kasi kailangan ko pang magpretend na masaya ako para sakanila which is half true and half not. Lumabas ako ng kwarto dala ang box. Iniabot ko kay Vriz at ngumiti. "Congratz." Mukhang nagulat siya kaya kinuha niya agad yun sakin.

"ThankYou pero wala pa akong napaplano kung pano ko sisimulan. Can you help me ?" Tumango ako. "But one thing's for sure. May kapalit tong ice cream huh. Haha." Walang kaalam alam ang bestfriend ko sa binabalak namin ni Vriz. Ang swerte niya. In the age of Twenty eight she finally found her future. Sana maging masaya sila.

Umalis na kaming tatlo at ako sumisilay sa mga dinadaanan at hindi ko maiwasang humanga sa mga nakikita. Ang ganda sa Paris. Madami ring gwapo. In short. Hot and handsome. Wow ! After 30 minutes ay nakarating na kami sa sinasabi ni ate Klauie na apartment. Sabi niya malapit lang sila dito. Ibig sabihin makikita ko si Gabby !!

Pagkadating namin hindi ko inaasahang andun sila ate Klauie. "Hi ! Sinabi ko kasi kay Gabby na dito na kayo titira pansamantala. Tapos kanina pa nangungulit na pumunta at gusto ka raw makita." Sabi ni ate Klauie. Ang ganda ni ate Klauie nakakainsecure.

"Asan nga pala si Gab ate ?" Tanong ko sakanya habang lumalakad kami. Ipapakita niya daw yung sinasabing kwarto namin. Sila Yul nauna na sa taas. Hindi naman yun nanghihintay eh..

"Ah. Kasama niya Daddy niya. Papunta na rin sila dito any minute, may binili lang." Huminto kami sa tapat ng isang kwarto. Asan sila Vriz ? "Ahm.. asan sila Vriz ?"

"Ah. Iba ang kinuha nilang kwarto. Di ba nila sayo sinabi ? Gusto atang magsolo nung dalawa eh." Kinikilig na sabi ni ate Klauie. Solo ? Yung dalawa ? Bakit ba wala sila laging sinasabi sakin ?! Grr ! Nginitian ko nalang si ate Klauie.

"Moommmy !!" Napatingin kami sa sumigaw. Bigla akong napangiti ng malawak "hi Gab !" Bati ko sakanya. Biglang nanlaki ang mata niya nung nakita ako. Cute. "Hi po." Kasama niya rin si kuya Claude. "Meghan, bakit di ka muna magpahinga ? Alam kong pagod ka. Pupunta nalang kami mamaya ni Gabby. " Tumango ako "oh sige. Pasok na muna ako." Tumingin ako kay kuya Claude at Gabby. "Bye kuya, bye Gabby." Sabay halik sa pisngi ni Gab. "Babye ate. Maya lets play." Tumango ako at pumasok na sa kwarto. Wow !

Ang ganda. Hindi na kailangan ng mga gamit, kumpleto na pati malinis. Halatang di pinapabayaan. Humiga nalang ako sa kama at tumitig sa kisame. Nagbuntong hininga ako. "Hay nakoo. Kahit sumama yung dalawa parang hindi kami magkakakilala. Nakakatampo." Magpopropose na kaya si Vriz ? O tapos na habang wala ako kagabi ? Pero nakita ko yung box nung paalis kami eh. Tinext ko sila Vriz at Yul. Tinanong ko kung anong kwarto. Wala pang one minute nagtext na si Yul.

Yul: dalawang kwarto bago makarating sa kwarto mo babae. Tara punta ka ! :)

Magrereply na sana ako ng sige nang magtext si Vriz.

Vriz ^.^: magpapahinga lang kami Meghan. Maya kami punta jan.

Meghan. Iba na si Vriz. Di ko namalayan na tumulo na yung luha ko. Yung reply ko na sige kay Yul ay binura ko at pinaltan ng 'tutulog muna ako. Haha ! Maya nalang.' Pinikit ko na ang mata ko at unti unti akong nakatulog.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon