Twenty - five: Future

34 3 0
                                    

This chapter, I think this is the last. Tapos Epilogue na ang next. Or baka ilan pa.. XD ewan ! Anyway, thank you po for supporting me ! I mean my story. XD. May kasunod pa ito..
I love you all .. <3 i dedicate this chapter to those who is reading my stories.

~~~

Ano bang meron sakin at nagustuhan ako ng lalaking ito ? Sa totoo lang, ako kasi yung taong parang plastik tignan. Sa labas ng bahay. Mabait ako, sometimes a bitch pero napapakita ko sa kanila ang pagiging bubbly ko. While sa bahay, kulang nalang ikulong ako sa presinto dahil ang sama ng ugali ko sa mga magulang ko. Normal ba iyon ?

Dati ang pangarap ko lang ay maiba ang nakaraan. Pero nang masabi sa akin ng mga magulang ko ang masakit na bagay ay hindi ko akalain na tama sila. Well, hindi naman totally. Pero tama sila na makakasakit ako ng tao dahil sa ugali ko.

Tandang tanda ko pa kung paano ako sinabihan ng magulang ko nun.

Nagkasagutan ulit kami ng Papa ko. Alam kong may mali ako. Pero alam ko rin na may mali siya. Mahirap lang talagang magsalita kasi walang pakikinggan ang taong sarado ang utak.

"Tandaan mo iyan Meghan. Hinding hindi tatagal sayo ang mga tao sa paligid mo dahil sa kasamaang ugali mo ! Masyado kang makasarili. Di mo manlang kami mapagbigyan sa kagustuhan namin. Wala kang kasiyahan sa buhay." Muntik na akong matawa dahil. Sino ba ang hindi naging makasarili ? Kung tutuusin, sila din ay naging ganoon, wala pa akong muwang sa mundo nagawa na nila akong ipamigay. Bakit ? Dahil sa mga mahal nila. Ganon ba talaga pag nagmamahal ka ?

Pagkatapos ng sagutan naming mag ama ay pinagsabihan naman ako ni Mama pagkauwi ko. "Wag ka ngang magulo riyan ! Napakadamot mo. Ba't hindi mo nalang kami pagbigyan ? Pag ikaw ang may kailangan naibibigay naman agad. Malalaman mo ang pakiramdam ng ganito pagtanda mo. Baka gawin mo rin ito." Alin daw ? Yung magkaroon ng sariling kaligayahan ? Sa totoo lang. Mahirap tanggapin na pakiramdam ko nagiisa lang ako ngayon dahil sila kahit nahihirapan sila, alam kong may mga napagsasabihan sila. Nakakainggit lang.

'Ang tahimik naman Meghan, tara dumaldal ka. Kahapon lang nagsisigawan kayo sa bahay. Ngayon mukha kang maamo."

Paulit ulit. Sa tanang buhay ko, nakaramdam ako ng inggit sa mga magulang ko. Dahil kahit hirap na sila sa buhay ay may natatakbuhan sila. Samantalang ako matagal bago ko mahanap ang mga totoong kaibigan ko.

Nasanay na ang sarili at katawan ko na maging masama sa ibang tao. Yung titig nila na gusto akong sumbatan, binabalewala ko. Kung sa mga magulang ko nga hirap akong magpaliwanag. Sa ibang tao pa kaya na hindi ko nakakasama ?

Lahat ng masasamang alalang iyon ay gusto kong mawala.

Nangyari iyon ng dumating sila Yul at Vriz. Pero bawas palang. Unti unting nalilimutan ko nung dumating ang mga Cristofaro sa buhay ko. At ngayon. Maraming aral ang napulot ko.

Ang sinabi ng mga magulang ko sakin ? Tama naman sila. Kapag naging makasarili ka o madamot. Posibleng iwanan ka ng mga taong nakapaligid sayo. Kahit ang mahal mo pwede kang iwanan dahil masasaktan sila.

Lahat ng iyon pinatunayan kong mali sila. Na ang katulad kong kontrabida sa paningin ng iba ay may ugaling pangbida rin. Habang pinapatunayan ko ang mga bagay na iyon ay dumating si Ashton sa buhay ko. Ang lakas ko. Akala ko iiwan niya na ako ng malaman niya ang buong buhay ko. Pero sobra akong natuwa dahil di siya nangiwan. Akala ko naaawa lang siya o napipilitan. Pero hindi, unti unti niyang pinaramdam sakin na maaari kong matupad ang mga pangarap ko. Ngayong kasal na namin. Di ko maiwasang maging emosyonal. Tatlong buwan na ang dinadala ko pero wala pang nakakaalam kung anong kalagayan ko. Ilang beses na akong kinausap ni Kyla at Travis pero hindi ko sinabi sa kanila ang nararamdaman ko. Nangingibabaw ang saya sakin dahil matutupad ko na ang isa sa pangarap ko. Ang ikasal sa taong mahal ko at mahal ako.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon