SC : The two of us

45 3 0
                                    

Note ! This is SPG. may halong SPG. XD last na ito. Talaga ! XD pakisupport din ang ibang story. Salamat.

~~~

Nakarating na kami sa Bergamo, France. And as expected. SOBRANG NAMANGHA AKO ! ewan ko ba, nagagandahan ako unang tingin ko palang. Ang sarap din ng simoy ng hangin. Masyadong malamig ngayon. More than 15° ~ less than 20° Ang temperatura ngayon dito kaya makapal ang suot namin. Di man lang ako pinaalalahanan nong mokong na iyon. Naka shorts tuloy ako. Lagpas one week na kaming dalawa dito at wala kaming ginawa kundi ang kumain sa labas. Isa na doon ang Caffe de France. Lagi kaming nakatambay doon at minsan pumunta rin kami sa sa Piazza de Dommo.

Dahil nga sa malamig masyado ngayon ay nakatunghay lang ako sa bintana.
Namimiss ko na rin ang kambal. Naguusap kami minsan nila ate Klauie sa skype. Niloko pa nila kami na baka amagin kami sa bahay dahil di kami makalabas tatlong araw na.

"Penny for sweetie's thought ?" He then hugged me from behind. "Di ka ba nauumay ? Masyado tayong sweet. Baka paggising ko nalang nagsawa ka na." That was just a joke pero nakaramdam ako ng sakit sa binitawan kong salita.

"Masanay ka na. Ganito talaga ako." Humarap ako sa kanya and cupped his face. "Pero yung ugali ko.. hindi ka ba masasaktan niyan ? Alam mo naman ako ironic. Weird. Konting salita o kilos maaaring makasakit. Kaya I told you before na mas gusto ko ang bad boy image kasi ayoko ng mabait.. " he shhed me. "Pero dahil doon nahulog ang loob ko sayo. Matagal ko ng alam iyan pero pinakasalan kita at tinanggap kita. Pag aawayan na naman ba natin ito ?" Kumalas siya sa yakap at nagpunta sa labas.

"Ash !" Nawala siya sa paningin ko. Shit. Masyadong foggy. At malamig sa labas. Magisnow na nga ata eh. Kinuha ko ang jacket sa couch at lumabas. Delikado man pero ayokong tumunganga sa loob ng bahay. Ako na naman ang may kasalanan nito eh.

Nanlalabo na ang mata ko dahil sa pagiyak. Isang oras na. Naiwan ko ang phone ko. Bobo.

Naisipan kong umuwi na muna dahil baka umuwi si Ashton. Habang naglalakad ako ay hindi ako mapakali. Masyado na ba akong makulit kaya iniwan ako ni Ash. ? Masakit pa rin pala talaga kapag pinagpilitan mo ang bagay na hindi mo gusto tapos ginawa sayo iyon. Hay..

Sumalampak ako sa couch at tumingala. Hindi nakatakas ang pagpatak ng luha ko habang nakapikit. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari kay Ash.

Kinabukasan ay namulat ako. Nakahiga na ako sa kama. Bigla kong inalala ang pangyayari bago ako makatulog at naalala kong sa couch ako nakatulog.

Bumaba ako at nakita kong nagluluto si Ash. Hindi ko masyadong gawain ang pagiging sweet pero mukhang kailangan ko ito ngayon.

"Anong.. oras ka umuwi ?" Ilang segundo bago niya ako sagutin. "Kanina lang. May binili lang ako kagabi. Umuwi muna ako kay ate Ashley."

"Ahm.. yung kagabi.." humarap siya sakin at nakita ko ang disappointment sa mata niya. Napangiwi ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Walang imikan. Nagpapakiramdaman lang kaming dalawa. Hanggang sa maramdaman ko na niyakap niya ako pabalik.

Tumingala ako sa kanya at kumapit sa leeg niya. "Wag mo ng gagawin ulit iyon huh ? Masyado mo akong pinagalala.." i heard him sighed. "Talo na naman ako. Ang bilis mo magpaawa !" Hinampas ko siya sa braso at tumawa lang siya. I guess our fight is now over.

"Ikaw na." Sabi ni Ash pagkalabas niya ng CR. Nakaboxers lang siya at sando. Parang hindi malamig huh.

Pumasok na ako sa CR at nilock ang pinto. Mahirap na. Teka yung susi ! Lumabas ako at pasimpleng kinuha ang susi sa drawer. Pagkapasok ko sa pinto ay narinig ko pang tumawa si Ash.
Psh.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon