Messenger
Solvien Mateo Zerienio
3:56 p.m.
Hoy
Nasaan ka?
Umuwi ka na?
Library
Nagrereview para makasali ako sa ilalaban sa quiz bee sa math
Sasali ka?
Oo. Ikaw?
bahala na
Bakit gusto mong sumali?
Plus points din
Kailangan kong ayusin ang grades ko sa math
sasamahan kitang magreview
HUWAG NA
BAKA SASALI KA TAPOS REREVIEWHIN MO AKO
baka kapag nanalo ako, ako pa ang sisihin mo sa pagkatalo
Hahahaha I love the spirit, ms. Lovi
Though, you don't have to worry about that because I will not join
But kanina sabi mo,
undecided ka pa?
focus na lang ako sa pagtuturo sa'yo para ikaw ang mailaban
That's unfair! Kung gusto mong mailaban, sumali ka!
Huwag mo akong idadahilan kung bakit hindi ka sasali
Ayaw ko ngang mailaban
Ikaw ang gusto kong ilaban nila sa contest kaya tutulungan kita
Bakit?
Anong bakit? S'yempre, manok kita!
isang putak muna riyan, manok ko!
Hahahahah
SOLVIEN NGA!
BWISIT KA TALAGA!
Sshh h'wag mo na akong bugahan ng apoy
Stay put ka lang d'yan at tatakbo na ako papunta sa'yo hahaha
