Messenger
Solvien Mateo Zerienio
12:03 p.m.
Hoy
ano?
Saan ka sa pasko?
Uuwi ba si tita?
Hindi ko alam
Hindi yata
Pero sa side ni Daddy ako magpapasko
Uy, h'wag, bakit ka naman sa tabi ni tito, eh nasa langit na 'yon?
Alam mo
Ang gago mo talaga
Hahahaha
Joke lang po, medyo dark pala 'yung naging biro ko t~t
*katok sa kahoy*
Bawal ka pang mawala kasi marami pa akong plano para sa ating dalawa hahahaha
Hahaha pakagago talaga eh
Hindi ako mawawala, pota ka
Anyways, kasama ko ang Formalejo fam sa noche buena
Ay, sayang
P'wede ka ba after noche buena?
Like pagkakain?
Ewan? Depende siguro, why?
Exchange gift daw tayo, sabi nina Rian at ni Daniella
Idea raw ni Xadrian 'yon hahahaha dami talagang alam sa buhay, eh
Pero game ako
G ako
After noche buena ang bigayan ng gift?
Yup
Tapos konting salo-salo rin sa bahay, nakausap ko na si Mama, ipaghahanda raw nila tayo
Magpakita ka rin daw sa kanya dahil namimiss ka na n'ya hahaha
Mas may lukso pa yata 'yon ng dugo sa'yo
Ako kasi, high blood lang ang nadudulot sa kanya hahahah
Hahahah😭
Okay, after kong kumain kasama ang fam, deretso na agad ako sa inyo
Miss ko na rin si tita and tito
Ano bang magandang regalo for them?
Hay naku! Magpakita ka lang sa mga 'yon, masaya na 'yon
Basta, dito tayo samin sa pasko
Oo, sige
Anong ginagawa mo nga pala ngayon?
Nag-aadvance reading
Tatlo ang line of 8 ko last quarter eh
Tinawagan ako ni mommy, napagalitan ako
Kaya ayun, nag-aaral pa rin ako kahit bakasyon huhu
Samahan kitang mag-advance reading?
Nasa mall ako ngayon, anong gusto mong kainin?
Hehe burger po
Oks
Thanks!
Wala 'yun hahaha
Singilin na lang kita pagpunta ko riyan mamaya
AKALA KO LIBRE?!
Wala nang libre ngayon, mhie
Magbabagong taon na, tama na ang pagiging buraot hahahaha
SOLVIEN!!!🤬
