Messenger
tatlong bibe, minsan tatlong bobo
3:35 p.m.
Rian:
yun oh, muse at escort pa nga
Sol:
parang mga gago naman oh
Xadrian:
kunwari 'di s'ya kinikilig
eh halos tarakan mo nga ng mata 'yung kalaban mo sa escort para lang mag-back out s'ya
Sol:
Hindi ha!
duwag lang talaga s'ya
kaya umatras
Rian:
Gusto rin namang maging escort ni Ayla hahahahah
Pero si Ayla mukhang makakapatay ng escort, 'no?
kawawa ka naman, Sol, napilitan lang sa'yo 'yung partner mo HAHAHAHAHAH
Sol:
mas kawawa ka kapag nagkita tayo mamaya sa practice, hinayupak ka
ikaw kaya ang nagnominate sa aking hayop ka
Rian:
luh
galit s'ya
bagay kayo ni Ayla hahahaha
Sol:
Totoo?
Rian:
Oo
Pero kahit naman bagay kayo, 'di ka pa rin no'n gusto HAHAHAHA
Sol:
AH GANON
Rian:
respect my opinion✌
--
Messenger
Danny girl>~<
3:47 p.m.
danny:((
Huy, why?
Teka lang, cleaner ako today
anyare?
sa muse nila ako binoto huhuhu
BEH DAPAT MASAYA KA KASI MUSE KA😭😭😭
eh si Solvien ang escort
'tsaka gusto ko sana 'yung pwesto na mapapakinabangan ako
ang muse, wala naman akong mapapala roon😭
hindi naman kailangang maging part ka ng officers sa classroom n'yo
pero magandang way 'yon para magkaroon agad ako ng
impression sa teachers
hay, okay na rin ang muse
marami ka pa namang p'wedeng gawin para makilala ka ng teachers
and, relax ka lang babe, first day pa lang 'to
marami pang mangyayari
you're right
kain na lang tayo after mo riyan
i don't think I can come with you huhuhu
after kong maglinis, aattend ako ng meeting sa club namin
oh, wait, saan ka sasaling club?
Hindi ko pa alam
baka sa club na magiging advantage ko sa pag-aaral
may club sa baking, ah?
ayaw mong sumali roon?
You are good at baking!!
nah
ayaw ni Mommy nang ganoon
wala akong mapapala hahaha
--
Twitter
lov🔒 @aylasecret
I actually want to join that club...
lov🔒 @aylasecret
saan na ako nito ngayon? May gagawin si Daniella😭
lov🔒 @aylasecret
ayaw ko pang umuwi... mag-aaral na naman ako pagdating sa bahay:(
