Messenger
Danny girl>~<
7:33 a.m.
Ayla girl
Bumangon ka na riyan
Nasa baba kami hahahaha
Ang aga-aga, daniella, ha!
Hahahaha kasama ko sina Sol
WAIT
bakit ang aga n'yo?!
Nakahiga pa ako😭
Ayan tayo eh, ang bilis kapag kasama ang pangalan ni Sol
Maligo ka na
Anong meron?
S'yempre gagala tayo
Sayang ang oras
Matagal ka naming hindi makakasama kapag umalis ka
Danny girl🥺
Mamimiss talaga kita😔
Sulitin na natin 'yung natitirang oras mo rito
Love you!
Maliligo lang ako and mag-aayos
Wait n'yo ako, ha?
Bilisan mo raw, sabi ni Sol
Type n'ya raw 'yung mga mabibilis kumilos
Baka raw maturn off s'ya sa'yo
Sabihin mo, tatapyasin ko 'yang mukha n'ya pagbaba ko
Sobrang kapal na kasi
HAHAHAHHAHA
ang bayolente ha!
--
Messenger
Sol🌞
7:56 a.m.
Hoy
Anong maganda? Dress or shirt?
Maganda kung mag-iimpake ka
Kasi doon tayo tutulog hahahah
HUH?!?!
Akala ko gala lang?
Saan ba tayo?
Quezon
Sa beach house namin doon
Gago?!?!
Ang layo!
Hindi ako nagpaalam
Naipagpaalam na kita sa mommy mo
Pumayag naman dahil ilang araw ka na lang dito
Wow... She said yes...|delete
Anong dadalhin kong gamit?
Nangbibigla kayo, kainis
Hahahaha para sure na tuloy
Pang-dalawang araw lang ang dalhin mong damit
Sige sige
Hoy
Ano?
Bibili muna ako ng almusal mo
Anong gusto mo?
Baka magutom ka sa byahe
Tapsilog 'tsaka coffee
Oksi, madam
