61

223 5 0
                                    

Messenger

Danny girl>~<
7:09 p.m.

Hindi ka pa ba uuwi?:(

Ang clingy mo hahaha
Later pa, marami pa akong ginagawa rito sa opisina

Hmp😔
Parang hindi rin tayo magkasama kasi palagi kang wala

Sorry na nga, danny girl:(

Libre mo na lang ako ng dinner
Bili ka ng pagkain bago ka umuwi

Sige sige hahahaha

Hoy oo nga pala
Kinukulit na naman ako ni Sol
Tinatanong kung nasaan ako
Mukhang nagdududa na na magkasama tayo

Don't tell him, please

Ayaw mo ba talaga? Kaibigan mo rin naman s'ya, ah?

Ayaw ko, danny
Makakaabala lang ako sa kanya

Anong abala ka riyan? Lahat gagawin noon para sa'yo, 'no! Hindi ka magiging abala roon

Ayun na nga eh
Alam ko ang ugali ni Solvien
Baka isantabi n'ya lang ang mahahalagang bagay para lang sa'kin
Ayaw ko no'n:(

Eh, paano kayo?
Hindi mo man lang binigyan ng closure

I don't know
Hindi ko na rin siya mareply-an dahil sobra akong na-d-drain

Gusto mo na ba s'yang tumigil?

Ayaw ko, daniella:(

Eh paano 'yan? Hindi mo naman s'ya kinakausap

Ewan ko
Ang selfish na ayaw ko s'yang tumigil sa pagmemessage sa akin kahit hindi naman ako nagrereply
Pero kasi, 'yun lang ang assurance ko na ako pa rin

Do you really like him?

Of course!
Pero hindi pa ako handa
Ang dami ko pang kailangang ayusin

Ewan ko ha, pero para sa akin mas maganda kung kakausapin mo s'ya
Nangyari na rin sa inyo ito dati, bakit n'yo pa uulitin, 'di ba?
Nagkulang kayo sa communication dati, kaya dapat natuto na kayo roon

Para saan pa? Ganoon din naman eh, hindi ko rin s'ya mabibigyan ng time kahit pa sabihin ko sa kanya ang kalagayan ko
'Tsaka iba na ngayon, Danny
Noon, magaan pa ang lahat
Pero ngayon, hindi ko na alam kung paano bubuhatin ang mga responsibilidad ko

Endless ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon