Messenger
Danny
1:03 p.m.
Girl HAHAHAHHA
Nakausap ko na si Xadrian
Rupok
Huy tanga, para sa'yo 'yung pinag-usapan namin
Ano ba 'yon?
Try n'ya raw kausapin si Sol para s'ya na ang maging engineer sa ipapagawa mong shop
Really?
Yup
Pero di pa raw s'ya sure kasi hindi na rin naman sila masyadong nag-uusap
Anong nangyari?
Ewan
Sabi n'ya, naging busy raw si Sol eh tapos si Rian naman ay nasa probinsya
Ahh
Pero okay naman sila?
Oo naman hahahah
Nagchachat pa rin naman sila
Pero hindi na nga lang palaging nagkikita-kita
Normal lang naman 'yon since lahat naman tayo ay tumatanda na hahahaha
True! Marami nang responsibilities
Message mo na lang ako kapag pumayag si Sol, ha?
Aasikasuhin ko lang 'yung business, para may katulong pa rin si tita kahit nasa malayo ako
--
tatlong engineer na bobo sa math
1:56 p.m.
Xadrian:
Pareng Sol
Musta na
Sol:
Mangungutang ka, 'no?
Rian:
Nuh ba 'yan, Xad, puro utang ka na
Buti pa ako, pabebe time, bebe time na lang
Sol:
Sus, porque't nagkajowa ka hahaha
Xadrian:
Makakain ba 'yang bebe time na 'yan? Ha?
Rian:
Minsan, pwede, oo, syempre haha
Sol:
hoy bawal spg dito
Xadrian:
Pakilinis ng kalat, cleaners
Sol:
Ano bang pakay mo, Xad? Hahaha
Xadrian:
May project akong ibibigay sa'yo
Sol:
Yoko, dami ko nang project haha
Rian:
Yabang
Sol:
Totoong tao lang po
Xadrian:
Sol, bilis na
Bake shop
Sol:
Ha?
Xadrian:
'Yung itatayo
Sol:
Saan ba?
Send mo details sa'kin
Baka kaya kong maisingit hahaha
Kausapin ko na rin 'yung architect kong kakilala
Rian:
Luh? Ba't ang bilis pumayag
Xadrian:
👀
