Messenger
Mommy
1:09 p.m.
Ayla
May gagawin ka ba ngayon?
Meron po, eh
Hinihintay ko po 'yung groupmates ko para masimulan na namin 'yung project
Oh, okay
Aayain sana kitang kumain sa labas, malapit na ang 18th birthday mo, gusto ko sanang planuhin
Paano ba ang gusto mong celebration?
Uhm, p'wede ba pong dinner na lang with tita Myla?
Ayaw mo bang magparty?
Invite your friends
My, I don't have friends here po
Oh
Sige, gusto mo ba sa hotel tayo magdinner?
P'wede po bang sa bahay na lang? Tapos tayo po ang magluluto
Pero okay lang din po kung mga katulong na lang ang magluto
No, I'll cook for your birthday
Sige, aayusin ko ang schedule ko para riyan
Thank you, mommy!
Turuan mo rin akong mag-bake, Ayla
Ipagb-bake kita para sa birthday mo.
--
Twitter
Ayla @loveayla
h'wag n'yo akong hawakan, I'M MELTING PLS😭💗
