71

230 8 3
                                    

iMessage

Daniella
January 1, 6:57 a.m.

daniella?
gising ka pa ba?

Hey
Why?
Tutulog na sana ako, nagbeep lang ang phone ko hahahaha shet lakas nung tama nung alak na bigay ng tita mo

Hala, tulog ka na
Later na lang tayo mag-usap

Huy hindi
Ayos pa ako
Nakakaintindi pa naman ako
Ano ba 'yon?

Balik na tayong Pilipinas:(
Gusto ko nang bumalik

WEH, 22O?

Yes😔
Miss ko na si Sol
Nakatanggap ako kanina noong sumasalubong ng new year ng email galing kay mommy

BUHAY SI TITA?!

Gago, hindi😭
Scheduled email s'ya
Dati pa n'yang ginawa and ngayon lang nagsend sa akin

Anong sabi n'ya?

Gawin ko na raw ang gusto ko🥺
Ang sakit pa rin pala, 'no? Kahit ilang years na
Hindi ko man lang s'ya naintindi nang maayos:(
May sakit na pala s'ya, hindi mo man lang nalaman
Dapat sinamahan ko s'ya nung nahihirapan s'ya

Wala namang may gusto noong nangyari, Ayla
'Tsaka iniisip lang ni tita ang kapakanan mo kaya hindi na n'ya sinabi ang kondisyon n'ya

But, still... Dapat sinabi n'ya
Pamilya kami eh, ako na nga lang ang meron s'ya tapos hindi pa n'ya ako isinasama sa mga masasakit na pinagdaraanan n'ya

Parang ikaw din
Hindi mo kami isinasama sa mga pinagdaraanan mo
Pero naiintindihan ka naman namin
Sana ganoon ka rin sa sitwasyon ng mommy mo
Katulad mo, mahirap din sa kaniya ang magsabi
Kaya intindihin mo na lang din ang naging desisyon ni tita
And, s'yempre, like what she said, go do what you love, freely

Danny🥺

Deserve mong maging masaya nang sobra-sobra
Huwag mong pigilan ang sarili mo, Ayla

Tingin mo ba, p'wede pang ituloy 'yung sa amin ni Sol?

Oo naman
If gusto n'yo pa pareho eh

Kahit matagal nang walang communication?

Oo naman!
Kung nandoon pa rin ang nararamdaman, kahit walang pag-uusap, babalik at babalik pa rin 'yan sa dati

Balik na tayo, please

Finally!
Sige, asikasuhin natin bukas ang lahat
Babalik na tayo sa kanila:)

Endless ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon