88

312 5 2
                                    

Narration

Ayla

"Ayla girl!" Napalingon ako kay Daniella nang marinig ang kaniyang tinig. I fixed my earrings first before walking towards her. I flashed a weak smile at her--kabado pa rin sa maaaring mangyari mamaya.

She looked at me with her gentle eyes. Nakakalambot tuloy lalo na kapag naiisip na maaaring sa isang iglap, mawala rin siya sa tabi ko.

"Why?" I simply asked. Hinila niya ako paupo sa sofa ng aming sala.

"Huwag ka na lang kayang tumuloy?" Nag-aalala niyang sambit. Hinawakan niya ang aking kamay at marahang pinisil iyon. "Paano kapag sa harap ka niya mapaiyak?"

I laughed and slightly shook my head. "Ano ka ba? Hindi ako iiyak! Ipapakita lang niya ang blueprint ng bake shop ko at siguro'y mag-uusap lang kami saglit tungkol sa aming dalawa."

She sighed. "Pwede namang iba na lang ang engineer eh..."

"Solvien is still our friend, Danny. Nawala lang ang nararamdaman niya pero kaibigan pa rin niya ako..."

"Ah, basta! Kapag hindi mo na kaya at gusto mo nang tumakas sa meeting ninyo, i-message mo ako at tatawag ako," parang nanay na paalala nito. Napangiti ako at pinagmasdan lamang siya. "Kunwari may biglang emergency!"

"Oo na..." Wala sa sarili ko siyang hinila payakap sa akin. I rested my head on her shoulder. "Thank you, Danny... Love na love kita."

She hugged me tight. I feel safe in her arms. Always. Siguro nga, may ibibigay para sa akin na isang taong matatawag kong "palagi". Noong una, akala ko ay si Solvien na iyon, ngunit ngayon, nasisiguro kong si Daniella na iyon. Nakita ko ito noong mga panahong walang-wala na akong makapitang rason para magpatuloy.

She's one of the few reasons why I continued to live when I felt like giving up.

"I love you, girl..." She caressed my hair, softly.

Nakailang minuto pa akong nakipagdaldalan kay Daniella bago ko mapagdesisyonan na umalis dahil naka ma-late ako sa meeting namin ni Sol. Hindi ko maipagkaila ang nerbyos lalo na't dahil sa huli naming pagkakausap. Matapos ang pag-uusap namin sa chat bago siya umalis ng Quezon ay mas naging mailap ako sa kaniya. Pinili ko na rin munang umiwas dahil isang palaisipan pa rin sa akin ang mga nangyayari.

After I processed everything, saka ko lang naisipang makipagkita sa kaniya para sa ipinapagawa kong shop.

Bumaba ako sa aking sasakyan. Napalingon pa ako sa paaralan namin dati. I felt the ghost smile on my lips. Parang kailan lang ang lahat, ah? Parang ang bilis...

Sa sobrang bilis, hindi ko alam kung paano magpapatuloy at makikipagsabayan sa mundo.

I swallowed hard and let out a deep sigh. Pumanhik na ako patungo sa loob ng cafe na palagi naming pinupuntahan ni Solvien noong high school. Marami ang nagbago rito ngunit masaya akong hindi ito nagsara. At least may babalik-balikan kami... Kahit 'yung lugar na lang ang natira.

Itinulak ko ang glass door at sa pagtapak ko sa loob ng silid, agad na tumunog ang aking suot na pampaa. Tumingin sa akin ang isang matanda na staff na mukhang kilala na ako. She smiled at me.

Endless ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon