70

231 10 2
                                    

Gmail

[A scheduled email from Ayla's Mom]

ariellaformalejo@gmail.com

Hi, anak. How's life? Ayos ka ba riyan? Maganda na ba ang buhay mo? Masaya ka ba?

Siguro kung mababasa mo ito, wala na ako. How should I start this? Maybe by apologizing?

Ayla, hindi ko ginustong itulak ka nang sobra sa pagkuha ng matataas na grades, I was just very anxious about your future because I know, hindi naman panghabang buhay akong nasa tabi mo.

Months ago, nalaman kong may cancer ako. Akala ko gagaling pa ako. Pero bawat araw, nahihirapan na 'yung katawan ko. Inilihim ko iyon sa'yo dahil gusto ko nasa pag-aaral ang focus mo. Kasi alam ko, kaya ko naman 'tong isurvive. Dati... Akala ko kaya ko. Pero last week, nalaman kong lumalala na talaga s'ya. Nagalit sa akin ang tita mo dahil ayaw kong magpaadmit sa hospital pero kasi anak, nandito ka na sa tabi ko. Gusto ko na lang ilaan sa'yo ang natitirang mga araw ko.

I tried to make you busy with the training kasi iyon lang ang dahilan para makita kita nang mas maaga kapag pagod na pagod ako sa trabaho. That was a selfish move, and I am really sorry for that. Hayaan mo na si Mommy, ha? Konting oras na lang kasi ang meron ako, anak.

Kapag nabasa mo ito nang wala na ako, please, let go of the pressure--'yung mga ibinigay ko sa'yong pressure. Hindi mo dapat nararamdaman 'yan. Buhay mo 'yan kaya gawin mo na ang gusto mong gawin.

Gusto mong maging chef? Go, anak, natikman ko ang luto mo noong isang araw, bagay nga talaga sa'yo ang nasa kusina.

Hayaan mo na rin sa tita mo ang kompanya riyan at bumalik ka na sa Pinas. Naririnig kita palaging umiiyak sa k'warto mo, alam kong miss na miss mo na ang mga kaibigan mo. May naipon akong pera sa bangko, ipagpatayo mo ng bake shop, I'm sure magiging successful ka sa field na 'yan.

And, si Sol, anak, siya lang ang lalaking pinakapinagkakatiwalaan ko sa'yo bukod sa Daddy mo. I'm sure, matanda na kayo kapag nabasa mo ito kaya sana, nahanap n'yong dalawa ang daan patungo sa isa't isa.

Free yourself from the burden that I've caused. I'm sorry. Maaga akong nawalan ng katuwang sa pagpapalaki sa'yo at nataranta talaga ako habang tinitignan kang lumalaki. Natakot din ako na baka isang maling galaw lang, mawalan ka ng magandang hinaharap. Pero alam mo ba ang nakalimutan ko? Nakalimutan kong matatag ka, anak, at kaya mong makipagsabayan sa magulong mundo.

Hindi ko 'to nasasabi sa'yo, Ayla pero proud na proud si Mommy sa'yo. Keep on learning and fighting for your dream future. Panonoorin ka ni Mommy at Daddy sa itaas nang may ngiti sa mga labi dahil alam naming kinaya mo at kakayanin mo pa. We love you, Ayla! You made us so proud. Please make yourself proud, too. Do what you love to do.

Endless ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon