Twitter
Ulan @j.rainna
😃🤒
| @solmateo replied: rainna jane, hindi ka nagpayong???
| @j.rainna replied to @solmateo: walang payong eh hahahaha
--
Messenger
Rain rain go away
8:05 a.m.
Hoy, Rainna
Maawa't mahabag, huwag mo muna akong kausapin
Bakit?
Naiinis ako
Ako rin
Bakit ka nagpaulan, ha?
Alam mong sakitin ka tapos magpapaulan ka pa
Please, kakagaling ko lang noong Sunday sa church, tama na ang sermon
Rain, sinasabihan lang kita
Okay na nga
Kaya ko naman ang sarili ko
Magfocus ka na lang d'yan
Paano ako magfofocus, eh ikaw ang iniisip ko?
Huwag mo akong isipin, kupal
Para kang tatay
Sinong kasama mo riyan?
May magbabantay ba sayo?
Hindi na ako bata, Solvien Mateo
Sus, umiiyak ka nga kapag masakit ang ulo mo
May tissue ka ba riyan o towel para pamunas ng uhog mo?
Napaka mo talaga
Don't talk to me na nga
Rain kasi
Sino ngang kasama mo?
Wala nga
Bye na
Pupuntahan kita riyan
SOLVIEN
NAGBABAKASYON KAYO
Manahimik ka riyan
Walang magbabantay sayo
Kaya ko nga
Last time, nahimatay ka na lang bigla, Rain
Paano kapag ganoon ulit ang nangyari? Wala kang kasama riyan
Huwag ka nga
Iiwan mo riyan si Ayla, sinong kasama n'yan kapag umalis ka?
May mga kasama pa kami rito, Rain
Maiintindihan naman nila
Ewan ko sa'yo
Puntahan kita, ha?
Hintayin mo ako riyan
Tigas ng ulo mo
Mana sa'yo, Rain hahahaha
Anong gusto mong pagkain? Ibibili kita bago ako tumuloy d'yan
Kanina pa akong natatakam sa bulalo
Oks, madam
Sol
Hmm?
Thank you
Wala 'yon
Basta ikaw, Rainna
