Messenger
Danny girl>~<
3:29 p.m.Hey
Wala ka sa classroom n'yo?
Okay ka lang?
Hinahanap ka rin ni Solvien4:05 p.m.
I'm oki!
Mauna ka nang umuwiSure?
Kinuha na ni Sol ang bag mo sa classroom kasi isasara na raw ang roomOh, pakisabi, kuhanin ko sa kaniya mamaya sa court
May practice naman s'ya ehNasaan ka?
Nag-aalala na ako:(Nagpapahangin lang
P'wede bang mamaya na lang ulit, Daniella?
Sobrang pagod ko kasi ngayon.Oh... Okay
Sorry--
Narration
I failed two quiz in one day.
I chuckled. Taas-baba ang aking dibdib habang pinipigilan ang pag-iinit ng gilid ng aking mga mata.
Ang simple lang no'n, eh, pumalya pa ako. Last quarter na ito pero wala pa rin, hindi ko pa rin kayang mag-excel. After this quarter, I'm sure, kukuhanin na ulit ako ni mommy papunta sa ibang bansa. Papunta sa lugar kung saan kailangan kong ikulong ang sarili ko para lang makapag-aral nang maayos.
A place where home is nowhere to be found.
I heard the vibration of my phone. Tumingin agad ako sa screen at nakitang message iyon ni Solvien.
Solvien:
Hoy, saan ka?I smiled, ngunit hindi na sinubukan pang buksan ang kaniyang mensahe.
Nasa ugali ko na siguro talaga ito. Kapag pagod na pagod na ako sa mga nangyayari sa buhay ko, bigla na lang akong nawawalan ng ganang makipag-usap sa mga tao. I always turn them down whenever I am not feeling well.
Pero... Minsan, naiisip ko kung anong pakiramdam na may masasabihan ka ng lahat ng gumugulo sa isip mo?
Ano kayang pakiramdam na may makaalam na hindi ko rin naman ginustong maging sobrang grade conscious... Kailangan ko lang talagang maging magaling sa mga mata ng nag-eexpect sa akin.
Ayaw ko rin namang maging ganito... Nakakapagod ding maging ganito...
"Nandito ka lang pala... Kanina pa kitang hinahanap," a familiar voice said.
Napatingala ako, nadatnan ko si Sol na bitbit ang mga bag namin. Worry paints his two beautiful eyes. Gayunpaman, he still smiled at me with assurance. Ipinatong niya sa tabihan ang aming bag at naupo rin sa tabi ko sa ilalim ng punong narra.
"Huwag mo nang pigilan..." he said while looking at my eyes. Mas namuo ang mga luha roon. "I won't judge." he smiled.
I lowered my head. Unti-unting humikbi nang tahimik. Hinila niya ako papalapit at isinandal sa kaniyang dibdib. Kita ko ang pag-agos ng mga luha sa kaniyang uniporme.
"P-Pagod na ako..." I sobbed. "Ang bobo ko..."
"Sshh... Don't say that..." he caressed my hair, gently.
"I did my best, Sol..." I cried. "B-But my best is still not enough..."
"You did your best at sapat na 'yon..." he uttered, softly. "You did your best that's why you'll try again next time. You did your best, that's why you deserve a rest. Marami pang susunod... Naiintindihan mo, Lovi?"
"I'll fail again... Ayaw ko nang maniwala sa ganiyan..."
"And what's wrong with failing again?" itiningala n'ya ako. He wiped my tears using his thumb. "E'di ibig sabihin no'n, may aral kang matututunan na dadalhin mo sa susunod mong mga pagsubok."
I chuckled, dryly. "Tapos palyado na naman... Aanhin ko ang lessons na 'yan kung hindi naman ako nag-iimprove?"
"You know what? Lahat ng mga bagay na natutunan natin, may kalalagyan 'yan sa future." he tucked the strands of my hair at the back of my ear. "You should wait for the right time for you to use those lessons."
"And..." Pinisil niya ang aking pisngi at ngumiti nang malawak. Napanguso ako dahil pinanggigilan na naman niya ang pisngi ko.
"Walang limit ang pagt-try ulit, kaya dapat, wala ring limit ang paniniwala sa sarili mong kakayahan."