Messenger
Tita Myla
1:02 a.m.
Hindi ka pa raw lumalabas sa kwarto mo
Nakalock din
Ayla, hija... Please, alagaan mo naman ang sarili mo
Tumawag din sa akin ang pinsan mo sa side ng daddy mo
Tinatanong kung ayos ka lang ba raw
Hindi mo ba sinabi sa kanila ang nangyari sa mommy mo?
1:10 a.m.
Tita p'wedeng mamaya na lang po?
Sobrang pagod ko po kasi ngayon
Oh, okay
Do you want to take a break?
Magfile ka ng leave
Ako na ang bahala muna sa mga gawain mo
Hindi na po
Kaya ko
Kailangan po ako sa trabaho
Ang daming kailangang ayusin
Hindi ko dapat pabayaan 'yon
Eh, paano naman ikaw, hija?
Ayos lang po ako.
--
Twitter
lov🔒 @aylasecrets
paano nga ba ako?
lov🔒 @aylasecrets
wala nang natira sa akin
lov🔒 @aylasecrets
ang daya eh. ang daya ng mundo.
