Chapter 38 - Royal Date(.1)

120 9 1
                                    

Chapter 38 - Royal Date(.1)

Hannah's Point Of View

Same Day

Pumasok ako ng maaga sa school,nagtext ang adviser teacher ko na may kailangan daw siyang ipagawa sa akin since pinagkakatiwalaan naman daw niya ako.Pumunta naman ako agad sa teacher's faculty.

"We need some students who will organize for the upcoming Junior And Senior Promenade." sabi ni Ms.Oh at may inabot na folder sa akin.

Binuksan ko ang inabot niyang folder.
"Ms. Jung,I'll give you extra points.Kailangan mo tumulong para sa pag-aayos ng JS Prom.I'll assign you sa cotillion dance and be a one of the royal dancers.So you'll agree with it?" tanong ni Ms. Oh sa akin habang tinitignan ko ang pictures na nasa loob ng folder.Pictures ng naganap na JS Prom nung nakaraang taon.

"Hnm ma'am sure po kayo?Marami pong iba jan na pwede nyong kunin." sambit ko

"Ms.Jung hindi mo ba kaya?Papayagan naman kita na ikaw na ang kumuha ng mga makakasama mo." sabi ni Ms.Oh

Tumango ako,Kaya ko yun kapag may katulong ako.Pero pagwala,Hindi ko magagawa ng maayos.Minsan lang naman ako maging dependent sa tao dahil sa mahirap 'tong pinapagawa sa akin.

"Payag kana?" tanong ni Ms. Oh

"Yes ma'am,Ahmm sino po ba ang pwede kong kunin na royal dancers?" tanong ko

"Kahit sino na ka-batch mo pwede.Lahat naman ng sections nahahawakan ko kaya mabibigyan ko din sila ng extra points." sabi ni Ms. Oh

"Ah Okay ma'am.Update ko nalang po kayo sa mga kukunin ko.Thank you po." sambit ko at sinuot ang bag sa balikat ko sabay tumayo

"Alright Ms.Jung,thanks for accepting.Goodluck." sabi ni Ms.Oh at ngumiti sa akin

"By the way,Ipapakilala kita sa pamangkin ko kasama siya sa mga mag-aayos." sabi ni Ms.Oh habang sinisilip ang cellphone niya,may hinihintay ata siyang tumawag o magtext.

Bumukas ang pinto at napatingin ako sa lalake na pumasok sa loob.Nakipagbeso siya kay Ms.Oh at ngumiti ito sa kanya.

"Ms.Jung this is Oh Sehun,My Niece.Kasama siya sa mag-aayos for the Promenade." sabi ni Ms. Oh,pagkatapos niya ipakilala yung pamangkin daw niya.

Inabot sa akin ni Sehun ang kamay niya para makipagshake hands.

"Nice to meet you I'm Oh Sehun." sabi niya at Ngumiti.Inabot ko ang kamay ko sa kanya

"Nice to meet you too,I'm Jung Hannah." sabi ko at ngumiti din sa kanya at binawi na ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ahm ma'am I have to go." paalam ko kay Ms. Oh

"Bye Sehun nice to meet you again." sabi ko at lumabas na ng faculty

"Bye!" paalam niya.

-

"Really?Ahm Hannah pwede kaming tumulong!." pagsu-suggest ni Hayoung habang kumakain.Nasa canteen kami ngayon-- Lunch Break

"Waah!Talaga?Payag kayo?" tanong ko kay Bomi,Naeun,Namjoo at Eunji

"Papayag yan,Diba?" sabi ulit ni Hayoung at siniko sila Naeun

"Ah,O-Oo Hannah tutulong kami." sabi ni Bomi

"Jinjja?Thank you." pagpapasalamat ko,Mukhang 7 nalang ang kulang sa grupo ko.Kailangan daw kase ng atleast 10-15 members sa mga mag-organize.

My Alien Best Friend(BTS Fanfiction Story)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon