Chapter 50 - Decision

71 6 0
                                    

Chapter 50 - Decision

Ho Seok's Point Of View

Lahat kami ay nanlatang dumating sa bahay at walang buhay na sinalampak ang sarili namin sa couch.

Halos lahat kami tulala dahil sa nalaman namin,at dahil na din sa nangyari kay Hannah.

"Hyung! Ano ng gagawin natin ngayon?" May halong pag-aalala na tanong ni Jungkook sa'kin.

Umiling ako at tinignan siya,"Mukhang kailangan nating hintayin na bumalik ang alaala niya." Sambit ko.

"Kung hindi lang talaga kinidnap ni Sheenah si Hannah hindi sana mangyayari to." sambit ulit ni Jungkook at tumingin ng matalim kay Taehyung

Oo, nangyari 'to dahil sa obsession ni Sheenah kay Taehyung.

Kaya ngayon,si Hannah ang nagsakripisyo.

Sana malala mo na agad kami Hannah.






[Meanwhile]

JB's Point Of View

Tinignan ko si Mark hyung habang pababa sa hagdanan,halata sa mata niya ang saya na nararamdaman niya.

Ano kayang nangyari?

"Hey Hyung,baka mapunit labi mo niyan." Pagbibiro ni Bambam sa kanya

"Ano ka ba? Masama bang ngumit?" Pagtatanong nito.

Sumubo si Yugyeom tsaka nagsalita,"Hindi naman masama hyung,Wag lang yung sobra."

Umiling nalang si Mark tsaka mahinang tumawa.

"Hyung,ano na palang balak nyo kay Angela? kelan natin siya ibabalik sa pamilya niya?" Tanong ni Jackson

"Sa lalong madaling panahon." Sambit ko.

"Pero di ba dapat muna nating hinatayin ang pagbalik ng memorya niya?" Sambit ni JR

"Sa tingin ko,mas mapapabilis kung kasama niya ang pamilya niya.Kesa naman tayo ang kasama niya,tsaka ngayon lang natin siya nakilala kaya wala pa tayong alam tungkol sa kanya." Pagpapaliwanag ko.

Nanahimik ang lahat at itinuloy na ang pagkain.

Teka,Napapamahal na ba sa amin si Angela?

My Alien Best Friend(BTS Fanfiction Story)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon