Chapter 41 - Junior Senior Prom(.2)
Hannah's Point Of View
Huminga ako nga malalim at naglakad na papunta sa gitna ng crowd,Halos lahat ng tao na nandito ay nanonood.
Pumunta ako sa harap ng stage kung nasaan ang mga judges,Ginawa ko ang mga bagay na makakapagpa-impress sa kanila,Ngumiti ako at umikot para makita ang kabuuan ng gown na suot ko tsaka nilagay ang kamay ko sa may bandang bewang ko.Ngumiti ulit ako ng akward kahit medyo nahihiya na ako at kinakabahan dahil sa dami ng tao.
Nagbow ako sabay lakad paalis sa crowd, naramdaman ko ang init sa mukha ko.First time kong gawin yun sa harap ng tao kaya hiyang hiya ako.
Natapos na ang pagpapaimpress ng lahat kaya pinabalik kaming lahat sa gitna para tignan ng mabuti ng Judges at para makapili na sila ng mga tatanggap ng award.
May kumalabit sa likod ko at agad ko siyang nilingon, si Taehyung kasama ang mga kaibigan niya.Nabigyan pala pati yung anim na kaibigan niya ngayon ko lang napansin.Ngumiti sila sa akin at nginitian ko nalang din sila tsaka ako huminga ng malalim at humarap na ulit sa harapan.
Umakyat na ulit ang emcee sa stage at inabot sa kanya ang isang papel na galing sa mga judges.
"Ladies and Gentleman our judges choose the winners for the JS Prom 2015." sabi niya tsaka binuksan ang nakatuping papel na inabot sa kanya kanina.
"May I call on our Best In Gown,Ms.Sheenah Angelica Im And Best In Suit Mr.Sehun Oh." tawag ng emcee kay Sheenah at Sehun.
Inalalayan ni Sehun si Sheenah at pumunta sila sa stage.
Inabot ng judges ang sash at bulaklak sa kanila tsaka sila pinatayo sa gilid at kinuhanan sila ng picture.
Ngumiti si Sheenah,pero halata na may inis sa mata niya.Ano kayang problema?
"Congratulations Ms. Im & Mr.Oh.Next May I call Ms.Bomi Yoon And Mr. Taehyung Kim for the King And Queen of the Night."
"Aish." narining kong sabi ni Taehyung sa likod ko.Tinignan ko siya at nginitian tsaka ko sinabi na "Okay lang yan."
Nginitian niya ako at lumapit na kay Bomi na naghihintay sa kanila at naglakad na sila papunta sa stage.
Binigyan din sila ng sash at bulaklak tsaka kinuhaan ng picture.
"Next,May I call on Ms. Sunny Jeon And Mr. Jaebum Im.Our Junior Prom King & Queen."
Announce ng emcee at nagpalakpakan ang tao sa crowd.Nanguguna na si Jungkook na nakangiti habang nakangiti sa kapatid niya na nasa stage.
"Congrats to our Junior Prom King & Queen." sambit ng emcee.
Natuwa ako dahil napili si Sunny bilang Junior Prom Queen,Sure ako na magging proud ang Mom nila ni Jungkook.
"Then For the last award.." pagputol ng emcee
Sinabi ko sa isip ko na hindi ako aasa na mapili ako sa mga awards.
"May I call on stage our Senior Prom Queen,Ms. Hannah Angela Jung And our Senior Prom King Mr. Jungkook Jeon."
Natulala ako sa narinig ko,Tinawag ba talaga niya ang pangalan ko?At teka,si Jungkook ba ang Prom King ko?
"May I take your hand please?" alok ni Jungkook sa kamay niya,Inabot ko ang kamay ko sa kanya tsaka siya ngumiti ng napakatamis sa akin.
Umakyat kami sa stage kasama ng mga nanalo,Inabot sa akin ang bouquet ng bulaklak at isinabit na sa akin ang sash.
Humawak ako sa bisig ni Jungkook para maging maganda ang kalabasan ng picture.
"Alam ko na ikaw talaga ang mananalo sa award na yan." nakangiti na sabi sa akin ni Jungkook
Tumango ako at ngumiti din sa kanya.
"Ladies and getleman,they wil have their first dance." sabi ng emcee tsaka kami bumaba sa stage at pumunta sa dance floor kasama ng mga nanalo.
"I'm very thankful for this." nakangiti padin na sabi ni Jungkook at nilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang bewang ko.
"Thankful for what?" tanong ko at nilagay ang dalawang kamay ko sa balikat niya.
Bago pa man siya sumagot ay lumakas na ang tunog ng music,kaya sinimulan na namin magsayaw.
3rd Person's Point Of View
Sinimulan na ng mga nanalo ang pagsasayaw.Hindi maiwasan ni Jungkook na mapangiti simula pa kanina.Hindi dahil sa nanalo siya kundi dahil sa taong kasayaw niya ngayon.
Sa isang banda, halos hindi makangiti si Sheenah at Taehyung.Hindi inaasahan ni Sheenah na mananalo din si Hannah at naging senior prom queen pa ito.... ang award na inaasam niyang makuha.
Napansin ni Bomi na kanina pa pasulyap-sulyap si Taehyung kay Hannah at Jungkook.Naiinis si Taehyung dahil naisip niya na nakuha ni Jungkook ang gusto niya -- ang maging prom queen si Hannah at siya pa ang naging first dance nito na dapat siya na boyfriend ni Hannah.
"Ayaw mo ba makuha ang award na natanggap mo?" tanong ni Sehun kay Sheenah na abala sa pagtingin kay Hannah na nakangiti habang kasayaw ni Jungkook.
"Ha?Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Sheenah at tumingin ng diretso kay Sehun
"Hindi mo inasam na makuha ang award na 'to Tama?" pagtatanong din ni Sehun
"Oo,ang inasahan ko talaga ako ang magging senior prom queen!" mahina pero galit na sabi ni Sheenah
"Hindi kaba masaya dahil si Hannah ang nanalo?Diba magkaibigan kayo?" nagtataka na sabi ni Sehun
Kumunot ang noo ni Sheenah habang nakatingin sa kanya. "Ako dapat ang nanalo at si Taehyung dapat ang King ko.Pero hindi nangyari ang balak ko kaya humanda si Hannah sa gagawin ko." Sabi ni Sheenah tsaka umiwas ng tingin kay Sehun.
Napailing nalang si Sehun sa narinig niya, hindi niya inakala na ganun ang ugali ni Sheenah.
Akala niya magkaibigan si Sheenah at Hannah pero mali ang akala niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/28350537-288-k180884.jpg)
BINABASA MO ANG
My Alien Best Friend(BTS Fanfiction Story)[COMPLETED]
FanfictionThis story is about Shin Min & Taehyung they are bestfriends since childhood. Shin Min & Taehyung are just friends until the ending? Let's see what will happend.Read this BTS & With Apink Fanfiction story. Ranked in general fiction : #554 - 05/15/1...