Chapter 51 - His POV
Taehyung's Point of View
Umalis ako sa loob ng bahay ng makaramdam ako ng tension sa pagitan namin ni Jungkook.
Kasalanan ko ba talaga kung bakit nangyari kay Hannah to?
Yan ang paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko simula ng umuwi kami dito
Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko siya gustong mapahamak,hindi ko ginusto na makalimutan ako ng taong mahal na mahal ko.
Halos mabaliw ako kakaisip kung paano ang paraan na gagawin ko para lang maibalik lang siya ulit sa amin.
Kinapa ko ang bulsa ko tsaka kinuha doon ang cellphone ko, kailangan kong tawagan ang isa sa mga kasama ni Hannah kailangan kong humingi ng tulong bago pa mahuli ang lahat.
At bago pa may mahulog nanaman kay Hannah,
Ang babaeng mahal na mahal ko.-
Jungkook's Point Of View
Bigla nalang nawala sa paningin ko si Taehyung hyung, hindi ko siya dapat sisihin sa mga nangyari pero kahit pagbaliktarin man natin ang nangyari kasalanan padin niya kung bakit nawalan ng alala si Hannah.
Humingi ako ng malalim tsaka ito inilabas,Hindi ko alam kung pang-ilang buntong hiniga na ang ginawa ko kakaisip sa kalagayan ni Hannah ngayon
Sobra na namin siyang namimiss,
At sabik na sabik na ko ulit siyang makasama."Oppa! May tumatawag sayo~ Hindi mo ba sasagutin yan? " sambit ni Jenny,Bigla akong napabalik sa realidad ng marinig ko ang pagring ng telepono.
"Jungkook?"
"Sino to?"
"Si Yugyeom 'to,"
"Anong kailangan mo?"
"Isa ako sa magkakaibigan na kasama ni Ange--- I mean Hannah.Gusto kitang makausap."
"Sabihin mo lang kung kelan at saan."
"Bukas ng hapon,sa tapat ng *** park"
"Okay magkita tayo."
"Salamat"
Ano kayang kailangan niya ngayon?
Isa siya sa kasama ni Hannah? Sana may maganda siyang maitulong.Naglakad ako papunta sa park na sinabi ni Yugyeom kahapon,Naghintay lang ako ng ilang minuto at dumating na din siya.
"Kim Yugyeom " pagpapakilala niya tsaka inalok ang kamay para makipag shakehands
"Jeon Jungkook " pagpapakilala ko
Umupo kami sa isang bench na nasa park,hinihintay ko na sabihin niya ang dahilan kung bakit siya nakipag kita sa akin.
"Jungkook,tinawagan kita para tulungan na mabawi si Hannah.Si Mark Hyung kase--"
" Nahulog na ba siya kay Hannah?" Pagputol ko sa sinabi niya.
Pumulot siya ng isang bato tsaka ito ibinato sa malayo,Sa lugar na walang tao
"Oo,yun ang pakiramdam namin.Minsan din parang gusto niyang kumontra sa tuwing sasabihin ni JB hyung na dapat ng ibalik si Hannah sa inyo." Sambit ni Yugyeom
"Concern lang ako kay Mark hyung kaya ko 'to ginagawa,Ayokong masaktan siya ng dahil din sa sarili ng kagagawan kaya mas mabuti na maaga palang ay mailayo na sa kanya si Hannah." Pagpapatuloy pa nito
"Mukha hindi niya ata alam na may nagmamay-ari na kay Hannah." Pagsagot ko
"Kaya dapat natin gawin ang plano.Pag-uwi ko kakausapin ko sila hyung para maibalik na siya sa inyo agad." - Yugyeom
Tumango naman ako tsaka nagsalita,"Salamat Yugyeom.Tawagan mo nalang ulit ako.Aalis na ko."
Sambit ko tsaka naglakad palayo.Dun lang ako nakahinga ng maluwag,Totoo nga ...
Lahat talaga ay hindi pwedeng hindi mapamahal sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Alien Best Friend(BTS Fanfiction Story)[COMPLETED]
FanfictionThis story is about Shin Min & Taehyung they are bestfriends since childhood. Shin Min & Taehyung are just friends until the ending? Let's see what will happend.Read this BTS & With Apink Fanfiction story. Ranked in general fiction : #554 - 05/15/1...