Chapter 45 - Catch Me If You Can(.2)

80 7 0
                                    

Chapter 45 - Catch Me If You Can(.2)

Hannah's Point Of View

Dinilat ko ang mata ko at nasilaw ako sa nakita ko.Dahil hindi pa masyadong nakaka-adjust ang mata ko naaninag ko lang ang isang babae na may kasamang pitong lalake.

"Gising na siya." sabi ng isang lalake na naka black mask,hindi ko makita mukha nila.Lahat sila nakamask maliban lang sa babae na nakatalikod mula sa upuan kung saan ako nakatali.

Sinubukan kong tanggalin ang tali ng kamay ko pero hindi ko magawa dahil masyadong mahigpit ang pagkakatali nila.

"Mabuti naman at nagising kana." sabi ng babae-- Si Sheenah ba 'to ?

Lumapit siya sa akin kaya tumingala ako para makita ang mukha niya.

"Sheenah? bakit mo ko dinala dito?!!" tanong ko habang pinipilit kumawala sa lubid na nakatali sa akin at sa mga kamay ko.

Umupo siya para maging magkalebel ang mukha namin,isang ngiting nakakapangloko ang nakita ko sa mukha niya."Sweety,your here because they will make you dead." sabi niya at tinuro ang pitong lalaki na nanunuod sa amin.

"No.!" sambit ko."Ano bang kailangan mo?Sheenah I thought you're my friend." may halong disappointment na sabi ko.

Umili siya at tumawa ng mahina,"Isa ka talagang tanga Hannah.Ikaw ba ang leader ng mga tangang tao? Ofcourse not.Were not friends."

"Ha?anong ibig mong sabihin?Sheenah napakaplastik mo!" sigaw ko sa mukha niya.Wala na akong pake kung mabingi man siya sa sigaw ko.

"Kailangan lang naman kita para mapalapit sa kanya.At para magkabalikan kami.Pero dahil naging sagabal ka, kailangan mo ng mawala." sabi niya at tumayo.Pinuntahan niya ang isa sa pitong lalake at bumulong.




Meanwhile..









Jungkook's Point Of View

Nakapaghanda na kami ng mga kailangan naming gawin para mamaya.Mabuti nalang at marunong kaming pito ng self defense na magagamit namin mamaya para bawiin si Hannah mula sa masamang si Sheenah.

Hindi ko inakala na kayang seryosohin ni Sheenah ang pagkidnap kay Hannah.Pero kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat para hindi mapahamak si Hannah.

Ang babaeng Mahal ko.

[FLASHBACK]

"Jungkook,Listen." sabi ni Sheenah sa kabilang linya - Sheenah

"Ano nanaman bang balak mo?" - Ako

"I will tell my friends to help me about Hannah.Dudukitin namin siya." - Sheenah

"What?!Nababaliw kana ba Sheenah?" - Ako

"Whatever Jungkook!.Kailangang mawala siya sa landas ko! Kailangan kong makuha pabalik si Taehyung.But it will not happen kapag nanatili siyang buhay." - Sheenah

"No.Sheenah,there's another way.Wag mong ipapahamak si Hannah ! Ako ang makalalaban mo !" - Ako

"Too late Jungkook.I already texted her,using your number." - Sheenah

"Ha? Anong ibig mong sabihin ?" - Ako

"Nagtext na ako kay Hannah na magkikita kayo sa park by 7:00 pm.Kaya for sure nandun na yun ngayon." - Sheenah

"What!?Did you set her up?WTF Sheenah?!" - Ako

"Hahaha.Don't thank me by now.Wala pang nangyayari.Kaya kung gusto mong abutan ang babaeng pinakamamahal mo,You better Run!" - Sheenah

Nilagay ko ang cellphone sa bulsa ko at tumakbo papunta sa park.Wala na akong pake kahit magkasakit ako dahil sa winter na at hindi ako nakapagsuot ng coat sa pagmamadali.

-

Nakarating ako sa park pero wala akong nakitang Hannah na nandun.Nilibot ko ang buong park ng may napansin akong naiwan ng isang tao sa bench.

"Kay Hannah 'to ah." sabi ko sa sarili ko at kinuha ang bracelet na naiwan niya.

Nagmamadaling kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tumatawag.

Hoseok Hyung Calling..

"Hyung bakit--" ["Si Hannah nawawala!"]
"Pupunta na ko jan." sabi ko pagkatapos at tumakbo na ako pupunta sa bahay nila Hannah.

Pumasok ako sa bahay nila at diretsong sinalubong ang mga tingin nila.

Tumayo si Taehyung hyung at hinawakan ang kwelyo ng suot ko."Anong ginawa mo kay Hannah?Hindi siya mapapahamak kung hindi dahil sa kagagawan mo!"

Nilapitan siya nila Jimin at Jin Hyung."Taehyung, hindi din naman gusto ni Jungkook ang nangyari." mahinahong sabi ni Jin Hyung.

Huminga ng malalim si Taehyung at tinaggal ang kamay niya sa damit ko."Kapag may nangyaring masama sa kanya,Hindi kita mapapatawad." huling sabi niya pagkatapos ay bumalik na sa kinauupuan niya kanina.

"Maupo ka muna." sabi ni Hoseok Hyung at inalok ang pwesto sa tabi niya.

Umupo ako at nakipagtitigan kay Taehyung."Hyung,Hindi ko kasalanan ang nangyari kay Hannah.Hindi mo lang alam ang ginawa ko para subukan siyang iligtas kanina." mahinang sabi ko tsaka sumandal sa sofa .

Tinapik ni Hoseok Hyung ang braso ko at tumango.

"Handa na kami." sabi nila at isa-isa silang tumayo.

My Alien Best Friend(BTS Fanfiction Story)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon