Chapter 49 - Second Meeting

59 5 0
                                    

Chapter 49 - Second Meeting

Hannah Angela's Point Of View

Nagising ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko,Bumangon ako ng bahagya at naramdaman ang sakit ng ulo ko.

Naalala ko, nawalan ako ng malay pagkababa ko ng van pagkagaling namin sa park.

"Okay na ba ang pakiramdam mo? " Tanong ni Mark Oppa.

Tinignan ko siya at ngumuso,
"Medyo nahihilo padin ako oppa." Pagsagot ko.

He took a deep sigh tsaka lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Dapat pala hindi na kami pumayag na makipagkita ka sa kanila." Sabi ni Oppa

Tinignan ko siya, "Sino ba talaga sila? bakit hindi ko sila makilala?" Pag tatanong ko.

"Sila ang nakaraan mo at kami ang present mo." seryosong sambit niya.

"Wala ka bang naramdaman nung nakita mo sila?" Pagtatanong niya.

"Kay Hoseok,Taehyung at Jungkook.Nung lumapit sila sa akin nakaramdam ako ng kakaiba." Sambit ko.

"Baka may part ng utak mo na nakakaalala sa kanila." Sabi ni Mark oppa

Tumango ako,"Sana kahit konting pangyayari sa nakaraan ko may matandaan man lang ako."

Tinignan ko siya at nakita kong may ngiti sa kanyang mukha.

Sana hindi mo na ulit maalala ang nakaraan mo - Sa isip ni Mark

Ginulo niya ulit ang buhok ko at ngumisi ng mahina.May inabot siyang box at agad ko yung binuksan.

"Cellphone?" Sambit ko.

"Kailangan mo yan,Para madali ka naming makausap kung sakaling malayo kami sayo." - Mark

"Salamat oppa!" Sambit ko at niyakap siya.Yumakap naman siya pabalik at humiwalay pagkatapos ng ilang segundo.

"Nanjan na ang mga number namin,Itext mo lang kami kapag may kailangan ka."

"Bumaba kana mamaya at kakain na tayo." Pagpapatuloy ni Mark oppa Pagkatapos ay bumababa na siya sa salas.

My Alien Best Friend(BTS Fanfiction Story)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon