Chapter 47 -Searching

62 6 0
                                    

Chapter 47 - Searching

Taehyung's Point of View

Halos dalawang liggo na kaming naghahanap kay Hannah pero hindi pa din namin siya mahanap.Asan na kaya siya?

Buti nalang at bakasyon na.
kaya nandito kaming lahat sa bahay nila hyung,Inireport na din namin sa pulis para makatulong sila sa paghahanap kay Hannah.

"Oppa,where is Hannah eonnie? namimiss na namin siya." Narinig naming lahat ang isa sa kapatid ni Jungkook na kasama niya ngayon.

"Hindi pa din ba nahahanap si eonnie? sana mahanap na siya." Sabi naman ng isa tsaka nag-pout.

"Mahahanap din natin siya kaya wag na kayong malungkot okay?" Sambit ni Jungkook sa dalawang kapatid niya.

Naging tahimik na ang lahat,Halos lahat nalang kami napapabuntong hinga.Namimiss na naming lahat si Hannah.Biglang nagring ang cellphone ni Jungkook kaya sinagot niya ito.Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at niloud speaker ang cellphone niya.

"Mga hyung may tumawag." Sambit niya,Kaya naglapit lapit kaming lahat para marinig ang kausap niya.

"Sino ka?"

"Isa ako sa kaibigan ni Sheenah"

"Bakit ka tumawag?Nasa inyo padin ba si Hannah?"

"Oo,nasa amin siya kaya wag na kayong mag-alala.Maayos na ang kalagayan niya."

"Mabuti naman kung ganon,kelan nyo siya balak ibalik?"

"Ibalik ? Yun ay kung gugustuhin nya pangbumalik."

"Anong ibig mong sabihin?anong nangyari kay Hannah?Bakit hindi na siya babalik?

"Malalaman nyo din kung bakit,magkita tayo bukas sa Isang park malapit sa inyo.Isasama namin siya para makausap nyo."pagkatapos ng sabihin yon ay pinutol na niya agad ang tawag.

Nagkatinginan kaming lahat,Walang nagtanong dahil alam namin na kahit isa ay walang nakakaalam sa sagot ng tanong namin.

Hannah nasaan ka na ? Hindi ka na ba babalik pa ?



























Mark's Point Of View

Dalawang linggo na ang nakalipas kaya naging okay na ang lahat.Nagkaroon ng amnesia si Angela dahil sa bala na tumama sa utak niya at natamaan nito ang memorya niya.Hindi siguro kung gaano pa katagal mababalik ang mga alaala na yun,Pero magging masaya ako kapag hindi na yun babablik pa.

Oo inaamin ko,sa panahon na nakasama ko siya nagustuhan ko na agad siya at nahulog na ang loob ko sa kanya.

"Babalik tayo sa Seoul bukas," sambit ni JB. "Para saan?bakit kailangan pa nating bumalik don?"
Tanong ko

"Tinawagan ko ang isa sa kaibigan ni Angela, kailangan natin sabihin ba nagka-amnesia siya." Sambit ni JB,dapat ba akong pumayag ?

"Pero hyung,pano kapag naalala sila ni Angela ?" Tanong ni Jackson.

"Kapag naalala niya,Ibabalik na natin siya." Sagot ni JB, "Pero kapag hindi,nasa kanya kung gusto niya pang sumama ulit sa atin o sasama na siya sa totoong nagmamay-ari sa kanya." Pagpapatuloy niya.

Angela, sana hindi na bumalik pa ang alaala mo.Dahil ayokong mawala ka pa sa akin .


Hannah Angela's Point Of View

Nanatili lang akong nakatingin sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko.Naiinis ako sa sarili ko kase wala akong maalala sa nakaraan ko.

Ang sabi nila oppa,may amnesia daw ako.Dalawang linggo na din simula nung lumabas ako ng ospital pero bakit wala pa din akong maalala ?

"Gising kana pala ?" Pambunga na sabi ni Mark Oppa sa akin tsaka niya ako nginitian.Tumango ako tumingin sa kanya sa repleksyon niya sa salamin.

lumapit siya ng bahagya sa akin,"Aalis tayo bukas." Sambit niya.

"Saan tayo pupunta Oppa?" Tanong ko.

"Malalaman mo din bukas." maikling sagot niya tsaka ginulo ang buhok ko.Aish!Kakayos ko lang eh."Yah Oppa!" Reklamo ko at nagpout.Nakakainis talaga siya.

Ngumisi lang siya."Bumaba kana pala, nakahanda na ang agahan."
Sabi niya at iniwan na ako mag-isa sa kuwarto.

Sino nga kaya talaga ako ? May naghahanap kaya sa akin ngayon ? May nagmamahal pa kaya sa akin?bakit pakiramdam ko okay lang na mawala ako.

My Alien Best Friend(BTS Fanfiction Story)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon