Chapter 43 - Fake

80 8 0
                                    

Chapter 43 - Fake

Hannah's Point Of View

Sinalubong ako ni Hoseok oppa pagkapasok ko ng Jung residence,Bakit gising pa siya ?

"Princess,ikaw ba yan?" tanong niya habang pababa sa hagdanan at naglakad papunta sa switch ng ilaw para buksan ito.Habang ako,nanatili lang na nakaupo sa couch at nakayuko.

"Princess?Hannah!" tawag niya pero hindi ko siya pinapansin,Umupo siya sa tabi ko at inangat ang mukha ko.

"Anong problema?" nagtatakang tanong niya.

"O-oppa si Ta-taehyung." maikling sagot ko habang humihikbi.

"Anong ginawa ni Taehyung?" tanong niya

"Nakita ko siyang nakikipaghalikan sa ibang babae,Ang sakit oppa." sabi ko at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap "Ssshh tahan na." sabi niya at habang hinahaplos ang likod ko.

"Ano bang kasalanan ko para lokohin at saktan niya ako?" tanong ko kay Oppa habang nakayakap pa din ako sa kanya.

Naramdaman ko siyang bumuntong hininga at hinawalay ako sa knya tsaka hinawakn ang mukha ko para punasan ang pisngi ko.

"Walang mali sayo Hannah. Siya ang may mali dahil pinaiyak niya ang katulad mo." deretsong sambit ni Oppa

Inisiip ko ang sinabi ni Oppa ng bigla niya akong higitin patayo sa couch,"Pero sa ngayon,kailangan mo ng pumunta sa kuwarto mo at matulog."

Tumango ako tsaka inayos ang sarili ko, pinatay ni Oppa ang ilaw at sabay kaming umakyat.

"Matulog kana ha ? wag mo ng isipin yun ako na ang bahala." sabi ni Oppa at ginulo ang buhok ko."Good night Princess." nakangiting sabi niya at sinarado na ang pinto ng kuwarto ko.

Huminga ako ng malalim tsaka naglakad papunta sa kama ko at dumiretsong humiga.Iniisip ko ang nakita ko kanina habang nakatingin ako sa kisame.

Ganun ba ako katanga para lokohin niya ?

Bakit niya nagawa sa akin yun ?

Matagal na ba nila akong niloloko ?

Sana may taong kayang sumagot ng mga tanong na namumuo sa isip ko.




















Next Morning-

"Taehyung,ano 'tong ginawa mo?" narinig kong sigaw ni oppa mula sa labas ng kuwarto ko.

Tumayo ako at kinusot ang mata ko,Ang hapdi.Pumunta ako sa bathroon at naghilamos,tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Kalat kalat ang make-up ko,Halos hindi naka nakapaghilamos at nakapagpalit ng damit kagabi.

Pumasok ako sa walking closet ko at nagpalit ng damit.

"Hannah." narinig kong tawag ng isang lalake na nakatayo sa pintuan.Anong ginagawa niya dito?

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

"Gusto kitang makausap." deretsong sagot niya

"Para saan pa ? ayoko ng ituloy 'to.Ako ng bahala magsabi kay Mom at Dad." sabi ko at nilagpasan siya palabas ng kuwarto ko.

Nakita ko na nasa dinning table na si mom,dad at Hoseok oppa kaya bumaba ako para batiin sila.

"Morning~" pagbati ko at umupo sa pwesto ko.

Naramdaman ko na tumingin sila sa akin,Nagtataka siguro.

"Hannah,please let me explain." sabi ni Taehyung habang hawak ang braso ko.

Tinignan ko sila at tumango lang sila, kailangan kong linawin ang nakita ko kagabi,kahit na nasasaktan pa din ako.

"Hannah, please pakingan mo naman ako.Hindi ko gusto ang nangyari, nakainom ako kagabi kaya hindi ko na alam ang mga ginagawa ko." pagpapaliwanag niya.

Tumungin ako sa itaas para pigilan ang pag-agos ng luha ko.

Tumingin ako ng diretso sa kanya "Gusto mo pa bang ituloy 'to?" diretsong tanong ko.

"Ituloy ang ano ? Hannah please patawarin mo na ako." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Binawi ko yun sa kanya,"Masakit yung ginawa mo wag mo aasahang babalik tayo sa dati." sabi ko at binigyan siya ng matalim na titig.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa mga mata ko "Hannah,I know nasaktan kita pero please hayaan mo akong ibalik ang dati.Patawarin mo na ako." pagkasabi niya ay lumuhod siya sa harapan ko.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya hinawakan ko ang dalawang balikat niya itinayo siya mula sa pagkalaluhod niya.

"Ano ba Taehyung,hindi mo naman kailangan gawin yun." sambit ko.

Ngumiti si Taehyung "Ibig sabihin okay na tayo?" tanong niya habang seryosong nakatingin sa mata ko.Halata na pinipigilan niya ang ngiti niya.m

Ngumiti ako at tumango,"Oum Taehyung, pinapatawad na kita."

Ngumiti siya ng napakalawak at hinala ako sabay yakap.Aish.

"I'm really sorry Hannah,Promise ko na hindi na yun mauulit." sambit niya

"Siguraduhin mo lang,don't break your promise." sabi ko tsaka tinignan siya at pinisil ang kamay ko.Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon.

My Alien Best Friend(BTS Fanfiction Story)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon