Prolouge

353 9 0
                                    

Makalat.


Maingay.


Madumi.


Magulo.


At higit sa lahat, Bastos.


Ilan lang yan sa mga napansin ko pagpasok ko palang ng lintik na classroom na ito.


"Uyy chicks."

"Gagi may naligaw yata."

"Hi miss beautiful."

"Bagong classmate?"

"Gago! All boys school kaya to."

"Naks, Hi miss ganda!"


Parang gusto ko nalang yatang umuwi at magkulong sa bahay.


This is not what I expected to welcome me!


Parang gusto kong magmura ng malutong para lang pakalmahin ang sarili. I faked a smile as I enter the room.


"Good Morning Everyone."


"Good Morning Miss Beautiful!" sabat ng ilan. Ang iba naman eh parang hindi ako nakikita at nagpatuloy lang sa kung anong ginagawa.


There are some who sits on their arm chair. Ang iba naman ay nasa likod ng classroom nakaharap at malalakas ang tawa. May iba namang abala sa kakatitig sakin, at hindi ko yun nagugustuhan.


"I repeat, Good Morning Everyone!"


Medyo nilakasan ko ang boses ko para sana mapansin nila ako pero parang may mga nakabara sa tenga nila at dinedma lang ang ginawa ko.


Ha! This is really getting into my nerves.


"Miss Beautiful, hayaan mo na yung iba sa likod. Medyo mga pasaway ang mga yan. Samin mo nalang sabihin ang sadya mo." Nakangiting sabi ng isa na nakaupo sa harapan. Kulay gray ang buhok nito at medyo maayos naman ang ayos ng uniform hindi tulad ng mga kasama niyang hindi alam ang salitang malinis.


"Well, This is Class 4D right?" tanong ko.


"Yep!"


"And you're?"


"I'm Leo by the way." Sabay ngiti nito pero hindi ako ngumiti pabalik. If I know he's trying to flirt with me. Hindi nakaligtas sakin ang pasimpleng pagsiko sa kanya ng katabi nito.


Ibinalik ko ang tingin sa likod at patuloy parin ang ingay doon. Tumalikod ako at humarap sa chalk board to write my name.


'Zehra Ashford'


"I'm Zehra Ashford and starting at this point, I'm going to be your Class Advicer so please boys at the back, go back to your proper seats and don't make me mad on my first day."


~~~~~

Three weeks ago...


"Kalliste!"


"What?!"


"Come down here!"


"Why?!"


Gangster TeacherWhere stories live. Discover now