Teacher 5

132 6 1
                                    

"Yes, I'll leave my car here at Hellery Street. Paki-pick up nalang po kuya, ha?"


After the call to one of our driver at home, nagsimula na akong maglakad papuntang Hillstone High. No choice ako kundi ang maglakad dahil nagloko ang makina ng kotse ko.



Tatlong kanto lang naman ang layong lalakarin ko pero take note! Ang layo! At idagdag pa na nakaheels ako kaya ang hirap maglakad, pero keri naman kasi sanay na akong ito ang sinusuot. Medyo challenging lang dahil mahabang lakaran ang mangyayari.


Nakalagpas na ako ng unang kanto nang bigla akong mapahinto.


May mga adik sa kanto.


De, mga tambay lang naman to eh. Aga-aga nakatambay na at mukhang nag-iinuman. Ganda ng breakfast ng mga to ah. Tibay ng sikmura men.


I was about to walk through the street when one of them lay its gaze at me at ang walang hiya ay hinarangan pa ako.


"Good morning Ma'am! Punta ka ng iskul?" nakangiti nitong tanong.


Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya at maging ang mga kasama nitong nakangisi sa tabi ng daan.


Lalagpasan ko na sana siya pero pinanganak yata tong makulit at sinundan pa ako.


"Ano pangalan mo Ma'am?"


Tumigil ako at hinarap siya.


"Will you leave me alone? I don't have time to talk with you."


"Pre inglisyera pala yan eh, hayaan mo na, Hindi kayo magkakaintindihan niyan! Hahahahahaha."


At nagtawanan ang mga adik. Maging itong lalaki sa harap ko ay natawa. Kung titingnan ay mukha silang mga teenager. Look at these idiots, imbes na pumunta ng school eh nandito nakatambay. Hindi ko tuloy mapigilang ikumpara sila sa mga kumag kong estudyante. Atleast yung mga yun, kahit pasaway at tarantado eh pumapasok parin.


"Ma'am, teacher ka ba sa Hillstone?"


Nagulat ako nang may biglang umakbay sakin. Isa siya sa mga tambay. And I could smell alcohol from him! Kadiri! What if kumapit sakin ang amoy niya?!


Pinalibutan na rin ako ng mga kasama nito. Mga nasa anim din sila.


Kinalma ko ang sarili. Kaya ko naman silang itumba, ang pinag-aalala ko lang ay baka may makakita sakin. Mahigpit kasi ang bilin ni dad na as much as possible, I should hide my skills. Low key lang dapat. I should be a loving, calm and kind teacher.


Pero sinong niloloko ko? I can't let these idiots ruin my day! Nasiraan na nga ako ng kotse, ayokong pati mood ko eh masira dahil sa kanila.


"Ma'am magsalita ka naman, kinakausap ka ng kaibigan ko eh." one of them said.


Hindi naman siguro masama kung mapipiktusan ko sila kahit konte diba? Malayo pa naman ako sa school kaya hindi ako makikita ng mga studyante ko. A little snap will do.


"Ma'am ano na? Hindi mo ba kami---- A-Ahhhhh!!"


"Siraulo ka ba?! Anong ginawa mo?!"


Teka wala pa akong ginagawa ah!


"Get your filthy hands away from her."


I felt someone's hand on my waist. He pulled me towards him and I can't help but to be surprise by this action.


Gangster TeacherWhere stories live. Discover now