Hindi ko na nasundan ang mga sunod na nangyari, all I know is that Leo freed me out from being tied at the chair.
"Miss okey ka lang ba? May masakit ba sayo?"
"I-I'm fine."
"Sure ka?" He asked again and checked my bruises mula sa pagkakatali.
"Lintik na Lance yan. May galos ka!"
Hindi ko siya pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa nangyayaring gulo sa harapan namin.
Nandito lahat ng Class 4D. Kahit na nagkakagulo na ay nagawa ko parin silang bilangin. Kung sa klase ko merong mga absent, dito naman ay present lahat.
Pero agaw atensyon ang damuhong Stephan.
Ngayon lang ako natuwa sa kanya actually. Walang panama yung Lance, bagsak at putok ang labi. Lance tried to stand na hinayaan lang rin naman ni Stephan.
Medyo inilayo kasi ako ni Leo sa nangyayaring rambulan kaya hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.
All I can see is Stephan's mischievous smirk and Lance furious face.
"Miss. Miss?"
"H-Ha?"
"The rest will take care of the mess. Ihahatid na kita---."
"No Leo. I need to stay here and make sure they are safe."
"But----."
"No buts. We will stay."
Hindi na siya nakaangal pa kaya nanatili kaming dalawa sa aming kinatatayuan.
Ibinalik ko ang tingin sa nangyayari at nakitang bagsak na halos kalahati sa mga kalaban ng mga damuho.
I search for Keith and I couldn't see him.
"Nasaan si Keith?" I asked Leo.
Hindi na ako naghintay ng sagot. Agad akong tumakbo sa lugar ng kaguluhan para hanapin si Keith. Hindi maganda ang lagay ng isang yun kaya hindi mapapanatag ang loob ko hanggat hindi siya nakikita.
Nilibot ng aking tingin ang paligid and I saw him at the 2nd floor of this abandoned building. Pinagkakaisahan siya ng dalawang kasama ni Lance.
Mabilis kong pinulot ang bakal na tubo sa gilid at tinakbo ang kanilang kinaroroonan.
"You don't have the right to freakin' hurt my student!" malakas kong hinambalos ng tubo ang isa sa kanila na agad namang bumagsak.
Surprise was written to both Keith and the remaining guy. Pareho silang gulat na lumingon sakin.
"M-Miss?!"
I once again swang the metal tube to strike the other guy pero mabilis itong nakaiwas. Sinamaan ko siya ng tingin at inambang ihahampas sa kanya ang hawak na tubo.
"One wrong move and this will be your last moment on earth!"
Mabilis kong tinulungang makatayo si Keith habang hindi inaalis ang tingin dun sa lalaki.
"Miss akala ko ba ay inilayo ka na rito ni Leo?!"
"Do you think I will let that happen? At ano? Iwanan kayo dito knowing that something bad might happen to all of you?"
Hindi ako nakarinig ng sagot sa kanya kaya nilingon ko siya.
I saw him act as if he's about to cry.
YOU ARE READING
Gangster Teacher
Teen FictionA teacher? Hello no. I'll never enter that job! I've been assigned to play a role of being a teacher in a private High School. This is a mission and a challenge. A mission that will make me reach the justice I've been dying to have, and a challenge...