Hindi ko alam kung anong nakain ng mga tao ngayon at ang tatahimik nila. Kanina palang pagtapak ko sa loob ng classroom ay parang kakaiba na ang ihip ng hangin.
Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa usual morning class namin.
Habang nagsusulat sa chalkboard ay ramdam ko ang kakaibang tingin sakin mula sa likod. Bahagya akong lumingon sa kanila at may nahuli akong nag-iwas ng tingin.
Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagsusulat.
May sapi na naman ba ang mga to?
"Okey that's all for this morning. And don't forget your assignment okey?"
"Ahhh Miss?"
"Yes Keith?"
Keith is seating next to Leo, here in front. Nakita ko kung paano niya bahagyang siniko ang katabi. Napangunot naman ako ng noo. Ano na naman ba ang kailangan ng mga to.
"Ahh.. Ano... Y-Yan lang po ba ang assignment?" awkward niyang tanong.
"Why? Do you want me to add another one?"
"Joke lang Miss. Natanong ko lang ha.ha.ha.ha."
Nagkibit balikat lang ako at lumabas na ng classroom.
Alam ko naman kung bakit ganun yung atmosphere sa loob ng room. It has been days simula nung nangyari yung kaguluhan related sa Calvin. Ngayon ko lang ulit sila nakaharap dahil sa weekends. At yun ang sumalubong sakin; silence and awkward atmosphere.
Hindi ko na sinubok na usisain sila. Desisyon nila yan. Basta ako nagawa ko na ang part ko bilang teacher nila. Nakarating narin sakin ang balita na humingi ng tawad ang mga taga-Calvin sa kanila. Syempre kagagawan ko yun kasama nina Jet, Hunter at France.
Now that I solved that problem, hindi na ako mangengealam sa problema ng mga batang ito. What I need to do right now is to do my mission and leave this goddamn place.
I don't belong here that's why I don't have time to play games with those kids. Ayoko rin namang masabihan na pakialamera and actually natamaan rin naman ako sa sinabi ni Stephan. I should know my boundaries dahil pansamantala rin lang naman ang pagstay ko dito. I just have to teach them academic lessons then after that, balik tayo sa mission.
~~~~~
Later afternoon, bumalik ako sa classroom para magbigay sa kanila ng exercises dahil absent and teacher nila sa Math subjects kaya ako muna ang hahandle sa mga bugok na ito. And as usual, ramdam ko na naman yung kakaibang atmosphere pero hindi ko na yun pinansin."Good afternoon class. For your Math subject, ako muna ang magfifill-in dahil absent ang Math teacher niyo." Bungad ko.
Nakarinig naman ako ng reklamo sa ilan. Bahagya akong napatingin sa likod kung saan nakapwesto si Stephan. Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sakin. Nagkuwari akong tinitingnan ang mga students sa likod para hindi mahalata na siya talaga ang tinitingnan ko.
Nakakabwisit lang ang pagmumukha ng taong yun.
"Ahh Miss?"
"Yes class president?"
"May. May sasabihin sayo si Keith."
"Teka bat ako?!" gulat na tanong ni Keith.
"Ikaw na ang magsabi."
"Ayoko nga!"
"Sasapakin kita!"

YOU ARE READING
Gangster Teacher
Teen FictionA teacher? Hello no. I'll never enter that job! I've been assigned to play a role of being a teacher in a private High School. This is a mission and a challenge. A mission that will make me reach the justice I've been dying to have, and a challenge...