Teacher 1

215 7 0
                                    

Ang sarap talaga sa pakiramdam ang katahimikan.


Alam niyo yung feeling ng peace? Yung mag-isa kalang, walang manggugulo sayo at higit sa lahat sayong-sayo ang buong paligid.


Kasi yun dapat ang nararamdaman ko. But instead I'm totally annoyed ang pissed right now.


Isa lang naman kasi ang rason kung bakit tahimik ang paligid ko.


I'm literally alone in this messy room.


Napahinga ako ng malalim at pinilit ngumiti.


"Right, I expected something like this. Zehra, Zehra, Zehra. What did you do to deserve this huh?"


Ikalawang araw ko na ngayon dito sa lintik na classroom na ito at talagang malapit na akong mapuno sa pinaggagawa ng mga batang to.


Yesterday, I ordered them to clean there room kasi sa sobrang kalat, mapagkakamalan ng dump site. Pero pagbalik ko, sira na ang doorknob at wala ng ni isang taong natira sa classroom and now! Now they didn't even show up!


Mga lintik talaga! Anong klaseng mga studyante ang mga yun?!


"Sabi na nga ba at mangyayari to eh."


Napalingon ako sa pinto nang may magsalita doon.


"Good morning Miss Ashford. I'm Faith Buena a fellow teacher."


"Its nice to meet you Miss Buena."


Lumapit ako sa kanya at nakipagkamay. I already review and memorized the informations about all the staffs and personel of this school kaya kahit magsisulpot man sila bigla ay makikilala ko sila. She's Faith Buena, also a new teacher pero mag-iisang taon na rin siya dito.


When she let go of my hand, nilibot niya ang tingin sa paligid.


"Handling them will be hard Miss Ashford. Sa lahat kasi ng section dito sa Hillstone High (name ng school na ito), Class 4D is the worst section and sadly sayo pa talaga sila napunta." she commented and I disagree no more. Totoo naman kasing worst itong nangyayari. Hindi na ako magtataka kung bakit sa lahat ng mga naging advicer nila eh walang nakatagal.


"Well, this is my first class ever since I became a teacher and I can't argue with that Miss Buena, but I'm still in the process of knowing my advisory kaya hindi ko muna sila huhusgahan sa ngayon. But I'll keep in mind that they are the worst class of this school." nakangiti kong sabi sa kanya. Nilingon niya ako at bahagyang tinaasan ng kilay.


"You will know how worst they are once they do things nasty to you. Hindi ka rin makakatagal tulad ng iba."


Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya. As if she's judging me based on what I said. Para rin niya akong minamaliit sa pagtitig niya sakin. I unconcsiously smirk at her.


"We'll see about that Miss Buena. You see I handle things on my way and as long as I am their class advicer, I will make this section the best before they graduate."


Matapos ko yung sabihin ay nauna na akong lumabas ng classroom. Ang ayoko sa lahat ay yung minamaliit ako.


Yes, I am a fake teacher but I will make that Buena girl eat her words.


Gangster TeacherWhere stories live. Discover now