Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang mga test paper ng mga bugok kong klase.
I gave them an exam para naman malaman ko kung anong level ng intelligent nila pero halos manlumo ako nang makita ang resulta.
There are only three persons who passed the 40 items exam
Stephan Pierre Liam - 39
Leo Clives -37
Jude Perez -35The rest of the class? Hindi nakaabot ng 15 correct answers. At ang malala pa dito, ang lowest score ay 3.
Gusto kong matawa at gusto ko ring sumigaw. Inasahan ko na ito dahil nga nasa last section sila pero ang sakit parin talaga sa mata na makita ang ganito.
Ang malala pa dito eh parang wala silang pakealam. Pinagmasdan ko sila at syempre tulad nung una, maiingay.
Natuwa na ako nung una dahil pumasok sila sa klase ko pero parang mas gusto ko nalang na hindi sila pumasok.
"Guys, tahimik muna." utos ko pero walang nakinig.
Napunta ang tingin ko dun kay Stephan na nasa likod. Nakadukdok ang ulo nito sa arm chair at parang ang himbing ng tulog.
Hindi ba to naiingayan sa nga kaklase niya?
Napunta naman ang tingin ko dun kay Jude Perez, isa siya sa mga maiingay dun sa likod.
Dito naman napunta ang tingin ko kay Leo na panay tawa sa harap ng cellphone.
"Everyone, please tama na muna ang chikahan and listen to me." no reaction ulit. Tuloy lang sila sa mga ginagawa. Nagmumukha na akong baliw dito ah!
"Wahahahahaha! Gago ginawa niya yun?"
"Tanga bakit yan?! Yung isa dapat pinili mo!"
"Pre akin na yan! Bigay yan sakin ng gf ko eh!"
"Mamaya may rambulan daw, manood tayo."
"Gago pre ang hirap nung exam! Buti nalang wala akong pake."
"Hoy baka marinig ka ni Miss Beautiful."
"Hala, may lakad pala mamaya ang tropa? Sama ako!"
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Hindi madadaan sa sindak ang mga ito kaya dapat kalmahin ang pakikipag-usap, huh? Kalli? Kalma.
"I SAID ENOUGH!" Kababae kong tao pero malakas ang boses ko, mukhang magagamit ko nga yun dito eh. Kasi effective naman at tumigil sila sa kakadada.
"Ayoko sanang mapunta sa bad side nyo, but enough is enough! When I said listen to me, you listen to me! When I said shut your mouth, you shut your mouth! Am I clear?!" Sinamaan ko sila ng tingin. One of them tried to stop his laughter pero dahil sa katahimikan, narinig ko parin yun.
"And when I said stop laughing, STOP LAUGHING!"
And that made him shut his mouth. Nakatanggap pa siya ng siko mula sa katabi nito.

YOU ARE READING
Gangster Teacher
Novela JuvenilA teacher? Hello no. I'll never enter that job! I've been assigned to play a role of being a teacher in a private High School. This is a mission and a challenge. A mission that will make me reach the justice I've been dying to have, and a challenge...