"So anong napala niyo sa nangyaring gulo? Ayan mga bangas sa mukha!"
Matapos ang nangyaring rambulan ay agad ko silang pinabalik sa classroom namin. Mabuti nalang at hindi na sila nagmatigas at nagsisunod naman.
I saw Stephan on this usual spot looking bored as fuck. Letche yan. Hindi ko siya nakitang nakipagsapakan pero alam kong nasa sentro siya ng gulo!
"Now can someone tell me what happened?"
At walang kumibo. Panay inda lang sila ng mga sugat nila sa mukha. May iba namang napapatingin sakin pero iiwas rin kapag nakasalubong ko ng tingin.
"Leo! Care to explain? Ikaw ang class president pero ikaw pa ang una kong nakitang nakikipagsapakan." litanya ko.
"Well---."
"Why do you even care?"
Agad sumama ang tingin ko dun sa taong sumabat. It was Stephan.
Nakacross arms siya at masama ang tingin sakin. At talagang siya pa ang may lakas ng loob na samaan ako ng tingin ah.
"I'm asking you because I am your teacher. Kung meron man ditong responsibilidad kayo ay ako yun. Your actions are my responsibility---."
"Edi lumabas rin ang katotohanan! You only care for us because of your fucking image! Responsibility?! Ayaw mo lang na masira ang pangalan mo dahil samin!"
"Watch your mouth Stephan Pierre Liam!"
Tumaas ang tensyon sa pagitan namin at alam kong ramdam yun ng mga classmates niya.
Lumagabog ang mesa matapos niya itong sipain.
"Bakit? Totoo naman diba? Our action will reflect you! Yun naman ang laging inaalala niyo eh. Na kesyo nakakahiya kami! Masyado kang nangengealam sa gulo namin! Na kami ang rason kung bakit hindi maganda ang feedback sayo! You only care for yourself."
Napatawa ako ng mapakla.
"You know what? Makitid ang pag-iisip mo!" Hindi ko na napigilan ang sariling sigawan siya. Sumusobra na talaga to.
"ANO?!"
"Tinanong ko lang kung anong nangyari dahil bilang advicer niyo, responsibilidad ko kung ano man ang mangyari sa inyo! Your parents might question me! Your family might make me held responsible if something bad happens to you! Ano sa tingin niyo ang isasagot ko sa mga tanong nila kung ni isa ay wala akong alam sa mga nangyayari?!"
Nakita ko ang ilan na nag-iwas ng tingin.
"You can think of me as a selfish person but never question my job as your teacher! Wala akong pakialam sa magiging image ko dahil sa mga pinaggagawa niyo. You can do every trouble! You can do everything, the hell I care! Wala akong pakialam sa sasabihin nila sakin, but I'm telling you one thing Mr. Liam. I care for this class, I care for you, I care for each and everyone of you! So kung sa tingin niyo ay nangingialam ako, then fine! Suit yourselves!"
Dinampot ko ang dalang bag at pabalibag na binuksan ang pinto. Mabibigat na hakbang ang ginawa ko papunta saking kotse. Hindi ko alam pero biglang uminit ulo ko.
I'm ranging in anger right now.
What? Pakialamera?!
Fine! Kung ayaw nilang pinapakialaman ang buhay nila edi hindi! Ako pa talaga ang hinamon nila ah. Sige kung yan ang gusto nila, walang problema sakin!
I start the engine of my car and drove out of the school. Hindi maganda ang mood ko ngayon kaya ayoko munang bumalik at makita ang pagmumukha ng mga bugok na iyon. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanila.
YOU ARE READING
Gangster Teacher
Teen FictionA teacher? Hello no. I'll never enter that job! I've been assigned to play a role of being a teacher in a private High School. This is a mission and a challenge. A mission that will make me reach the justice I've been dying to have, and a challenge...