LET ME LOVE YOU MORE
Written by: Emvilla
Marahang naglalakad si Gio sa dalampasigan sa isang beach resort sa La Union kung saan siya nagbakasyon 2 days after PENAGBENGA FESTIVAL. Wala siyang kaalam-alam na kanina pa nakasunod ng tingin sakanya ang lalake na nasa itaas ng lifeguard post.
"Daddy, bakit kailangan mong gawin ito?" tanong sa sarili.
Pinauuwi siya ng ama sa probinsiya nila dahil gusto daw nitong ipakilala ang lalakeng nasa sinapupunan palang siya ng ina ay ipinagkasundo na upang maging asawa niya pagtungtong sa tamang edad.
Gina Ferron Ollalia o GIO sa magulang at mga kaibigan. Nag iisang anak nina Judge Renato Ollalia at Physcal Aida Ferron ng Provincial Trail Court branch 16 sa Isabela.
Isa siyang magaling na Neurosurgeon sa bansa sa edad na 29. Dahil sa ibang bansa siya nagtapos bilang magna cumlaude, at top notcher sa board, madali lang siyang nakapasok bilang resident surgeon sa St Lukes Hospital.
Maraming malalaking hospital ang nag offer sakanya sa Amerika ngunit ninais niyang dito sa Pilipinas magpakadalubhasa upang matulungan ang kanyang kababayan.
Ngayon, nag-iisip siya ng paraan kung paano lulusutan ang problema niya. Sino ba naman ang papayag ipakasal sa lalakeng ni hindi mo pa nami-meet sa tanang buhay mo. Kahit ang pangalan nito ay hindi mo alam?
Nang mapagod sa paglalakad ay bumalik siya sakanyang cottage at nagpahinga sandali. Mamayang gabi plano niyang mag night out mag isa. Sanay naman siyang ganito kahit sa Maynila dahil mabibilang lang sa daliri sa isang kamay ang kaibigan niya at pare parehong mga busy. Hindi magkakatugma ang kanilang free time.
"You are asking for trouble woman." Bulong ni Lexus sa sarili habang nakatutok ang tingin sa dalaga.
Mula pa kaninang pumasok ito mag-isa sa resto bar na iyon ay hindi na niya hiniwalayan pa ng tingin.
Naka blouse ito ng kulay dilaw na hapit sa katawan na nagpalabas sa mga curves at mini skirt na tinernuhan ng 3 inches na dandals. Wala namang extra ordinary sa suot nito pero ang height at ang mala angel na mukha na binagayan ng maputi at makinis na kutis ang nakakakuha ng atensyon ng mga naroon lalo na ang mga kalalakihan. Lahat ay napapalingon sa kanya habang wala itong paki-alam sa paligid na naglakad palapit sa isang mesa.
Maya-maya nakita niyang nilapitan ito ng dalawang lalake. LumIpat siya ng mesa malapit sa mga ito pero nakatalikod siya sa gawi ng dalaga.
Hindi siya makapaniwala kanina ng makita sa hawak na teleskopyo ang babaeng naglalakad ng marahan sa dalampasigan. Mayat-maya niya itong sinisilip hanggang sa bumalik ito sa cottage na tinutuluyan.
Ang beach resort na iyon at ang resto bar na kinaroroonan niya ngayon ay parehong pag-aari ng kanyang kaibigan na dati ring sundalo ngunit ipinasyang umalis sa tungkulin ng mag-asawa at pamahalaan nalang ang mana nito mula sa mga magulang.
"See you guys, I had enough drinks. Mauna na ako sa inyo." Paalam ni Gio sa mga kainuman. Nakahalata siya na gusto siyang lasingin ng mga ito dahil nag uunahan ang mga itong tagayan siya. Nakaramdam na nga siya ng konting pagkahilo dahil dalawang klase ang kanilang iniinom. Tinawag niya ang waitress.