Chapter 1

4.4K 98 2
                                    

LET ME LOVE YOU MORE

Written by: Emvilla



Cap. Lexus Briones, matapang siya sa pakikipaglaro kay kamatayan bilang sundalo, ngunit pagdating sa kanyang mama ay hands up siya. Ito ang kanyang kahinaan ang kanyang ina. Kaya kahit ano pa ang hilingin sakanya ay pinagbibigyan niya ito, kagaya ngayon.


Dahil sa tagumpay nang kanyang team sa operation nila sa kabundukan ng Basilan laban sa makakaliwang grupo, kaya humingi siya ng R&R sakanyang OIC na kanya ring ninong.


"Ma?, akala ko ba ayaw mong umakyat sa Bagiuo dahil naroon si Papa? Bakit ngayon nagmamadali kang pumunta doon?" tanong ni Lexus sa ina. Nagpapasama itong pumunta sa Bagiuo kunabukasan.

"At bakit ako ang isasama mo? Nariyan si nana Linda para samahan ka."


"Ikaw ang dahilan, kaya tayo aakyat. Hayaan mo ng makapagpahinga si Linda dito sa bahay."


"Ha?, bakit ako ang dahilan?" puzzled na tanong sa ina.


"Ganito kasi 'yun, naaalala mo ba ang kaibigan kong manghuhula? Sabi niya sa malamig na lugar mo daw makikilala ang magiging katuwang mo sa buhay."


"Mama, paano niya ako nahulaan, eh hindi pa niya ako nakikita? At saka isa pa, nasa new millenium na tayo. Bakit ka nagpapaniwala sa mga fortune teller na 'yan?" hindi na maiwasan ni Lexus na sitahin ang ina tungkol sa pagkawili nito sa hula. Knowing his mother, hindi ito nagpapahula. Pero lately lagi daw umaalis kasama si nana Linda at sa bahay ng nasabing kaibigang manghuhula nagpupunta.


"Huwag mo na akong tanungin ng kung anu-ano. Basta samahan mo ako bukas sa Bagiuo. At saka next week na ang flower festival kaya gusto kong umakyat para mapanood ito. Samahan mo ako tutal nasa R&R ka naman, please!" may paglalambing na tono ng ina.


Napailing nalang siya. Mula ng maghiwalay ang kanyang mga magulang,when he was just graduated from PMA ay naging malulungkutin na ito. Nag aalala siya lagi kapag nasa misyon siya at hindi nakaka usap ang ina.


That was 13 years ago, at hindi niya makakalimutan ang dahilan ng paghihiwalay ng mga ito. Who wouldn't remember the day? Eh, eksaktong araw ng kanyang graduation iyon. Sumugod ang mistress ng kanyang ama sa restaurant kung saan ginanap ang selebrasyon ng kanyang pagtatapus. Sa sobrang galit ng ina, inatake ito sa puso. Kaya mula noon lagi siyang naka alalay dito. Kahit saan man siya madestino, he see to it na lagi silang may communication


He graduated sa pamosong military school ng bansa with flying colors not because his father is a high ranking official sa pamantasan, kundi talagang gusto niyang makamit ang mataas na karangalan kaya nag-aral sita ng husto para maipagmalaki siya ng kanyang mga magulang.


And now, nakamit niya ang rangkong Captain sa sariling sikap at galing sa ground operation. Hindi dahil malakas siya sa kanyang OIC. Marami ang nagsasabing napaka mahal ng kanyang ngiti at ruthless. Ngunit ang hindi alam ng nakararami, siya ay mapagmahal at masunuring anak. Sa kanyang mama lumalabas ang tunay niyang katauhan na itinatago sa nga kakilala. Kahit ang kanyang kaibigan ay hindi alam ang toobg Lexus Briones.

LET ME LOVE YOU MORE by: EmvillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon