LET ME LOVE YOU MORE
Written by: Emvilla
Walang imikan ang dalawa hanggang makarating sila sa bahay.
"Let's talk." Sabi ni Lexus ng paakyat na ang dalaga sa hagdan.
"Maliligo lang ako. I'll be downstair in ten minutes." At tuluyan ng umakyat ang dalaga. Nasundan ni Lexus ng tingin ito. Dahil naka mini skirt lang ito ay nasisilip niya ang maputing pang upo ng dalaga.
"Hindi man lang nagdamit ng disente ang babaeng ito." Bulong sa sarili at mabilis na umakyat upang mag shower din.
Ilang sandali pa ay kumatok na siya sa silid ng dalaga ngunit walang sumasagot kaya minabuti muna niyang mauna na sa baba at hintayin ito sa salas. Mariing pumikit ang mata niya.
Hindi namalayan ng binata ang pagbaba ni Gio dahil naidlip na ito. Ang sampung minuto nito ay umabot ng kalahating oras dahil nakatanggap ng tawag mula sa kaibigan at kasamahang dactor sa St Lucke. Nangumusta lang naman ito at nakipag kwentuhan ng ilang saglit.
"Babe!" Marahang niyugyog niya ito sa malapad na balikat.
Agad nagmulat ng mata si Lexus ng maramdaman ang pagyugyog sakanyang balikat. "Sorry, nakatulog pala ako." Mabilis na umayos ito ng upo at pinasadahan ng tingin ang suot ng dalaga. As usual nakasuot na naman ito ng maiksing short at naka sleaveless shirt na nagpalitaw sa makurbang katawan at makinis na balat. Napalunok muna siya ng lihim.
"Anong pag-uusapan natin?"
Naupo ang dalaga sa katapat na sofa.
"Saan ka ba galing kanina at ginabi ka?, hindi rin kita makontak."
"Di ba sinabi ko saiyong itinapon ng isang lalake ang cellphone ko?" Umarko ang kilay ng dalaga.
Napailing ang binata. "Gabing-gabi na saan ka ba galing?" Inulit nito ang tanong. Parang isang totoong kasintahan ito kung makapagtanong sa dalaga.
"Sa Santiago City, tagaroon ang kaibigan ko."
Tumango ang binata. "Ok ka lang ba? Wala bang ginawang di kanais-nais sayo ang mga 'yon?"
"Wala naman awa ng Panginoon. At mga sundalo pala ang mga iyon. Dapat sakanila ay tinatanggal sa serbisyo." Parang wala lang sa dalaga ang pangyayaring iyon. Kahit hindi dumating ang binata kanina ay kayang-kaya naman niyang protektahan ang sarili. Sayang naman ang pagtuturo sakanya ni Arth ng self defence sa loob ng dalawang taon hanggang ma master niya ito kung hindi niya magagamit sa mga halang ang bituka na mga sundalo kanina. Pero di na niya kailangang ipaalam pa sa binata ang kanyang kaalaman tama ng silang dalawang magkaibigan lang ang nakakaalam nito
"Mag-file ka ng reklamo bukas sasamahan kita sa Kampo, tayong dalawa mismo ang kakausap sa nakakataas doon." Amuki ng binata.