FINALE

4K 146 13
                                    


LET ME LOVE YOU MORE

Written by: Emvilla




The church wedding... Ginanap ito sa Cathedral na nasa UPI at ang reception ay sa ISABELA SPORTS COMPLEX. Kalahati ng oval ay pinalagyan ni Judge ng bubong at gumawa rin sila maliit na stage.


Gio is wearing here beautiful wedding dress na nagpalitaw sa kurba ng katawan. She's so beautiful! Marahang naglalakad palapit sa kanyang groom na naghihintay sa harap ng altar kaagapay ang kanyang mama at papa.


"Stop crying, as if naman hindi mo na makikita ang anak natin." Sabi ni Judge sa asawa na panay ang pahid sa mata.


"Hindi 'yun ang iniiyakan ko." Sagot ng Ginang. Magtatanong sana uli si Judge nang magsalita ang bride.


"Huwag ninyo akong alalahanin, ma. I will be alright!" 


Nakarating na rin sila sa harap ni Lexus after waiting for ages. Yes! Pakiramdam niya ay taon ang inabot sa paghihintay niya dahil sa bagal ng asawa na maglakad. Kulang nalang salubungin niya ito.


Abay ang mga kaibigan ni Gio na sina Arthur at Haidee. Ang doctor na kaibigang nakatira sa Santiago City ay kasama rin sa entourage. Bale tatlong pares lang ang mga ito. Dumating din ang iba pang kaibigan ng mag-asawang Ollalia kasama na dito ang ama ni Arth. Sa panig naman ng groom ay iilang bisita lang ang inanyayahan at syempre hindi mawawala ang best friend ng mama ni Lexus na manghuhula. Tuwang-tuwa ito ng malamang sa Baguio sila nagkakilala. "O di ba BFF?, sabi ko saiyo malapit kanang magkaroon ng manugang." Sabi pa nito sa kaibigang si Norina at nag high five pa ang mga ito, feeling bagets lang.


Samantala, hindi maintindihan ni Haidee ang sinasabi ng Pari dahil sa makulit na si Arth. "Pwede ba manahimik ka muna at hindi ako makapag-concentrate sa sinasabi ng Pari?" Pabulong niya sa katabi.


"Basta siguruhin mong ikaw ang makakasalo mamaya sa ihahagis ni Gio para naman makapag-asawa kana." Hirit muli ng binata. Pinandilatan ito ni Haidee dahil napalakas ang pagkakasabi nito kaya napalingon ang mga naka-upo sa harapan nila.


"You may now kiss the bride." Ang nagpaputol sa titigan ng mag-asawa.


Masigabong palakpakan ang isinalubong sa bagong kasal nang palabas na ang mga ito. Lahat ay dumiretso na sa SPORTS COMPLEX kung saan bumabaha ang pagkain at inumin.


"Mga single ladies, dito po tayong lahat. Alam ko naman na ito ang pinakahihintay ninyo, eh." birong pagtawag pansin ng bakla na itinalagang emcee. "Mga single lang ha. Hindi pwede ang feeling single." dugtong nito na nagpatawa sa mga naroroon.


"Uulitin ko, saluhin mo iyan at ako ang sasalo sa garter mamaya. Go, kaya mo 'yan. Tumalon ka para sure." nakangising bulong ni Arth at patulak na na itinaboy si Haidee.


"Tse! Siguruhin mo lang ang gift mong Europian tour kapag ako ang ikinasal." at tinalikuran na nito ang binata.

LET ME LOVE YOU MORE by: EmvillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon