LET ME LOVE YOU MORE
Written by: Emvilla
Mabilisang natapus ang kasal. Walang nagawa ang pagpoprotesta ng dalaga dahil seryoso ang mga ito at kilala niya ang ama na hindi mababali ang salita at paninindigan.
"Kailangan mong papuntahin ang mga magulang mo dito upang pormal na mamanhikan kayo para sa church wedding next month. Same date as today." Seryosong saad ng Judge kay Lexus. Natapos ang kainan at ang akala nilang iilang taong dadalo lang ay mali. Imbitado pala lahat ng mga may mataas na pwesto na nunungkulan sa gobyerno sa lalawigang iyon. At ang tumayong ninong at ninang nila ay walang iba kundi ang Gobernador at ang may bahay nito.
Tumango si Lexus. "Tatawagan ko ang Mama at Papa bukas na bukas din, pa. Aayusin ko muna ang galit ng prinsesa ninyo at mula pa kanina sa kasal hanggang ngayon ay hindi maipinta ang mukha." Natatawang sagot ng binata.
"Do that iho. Huwag mong sasaktan ang asawa mo, alagaan mo siya at pakamahalin dahil hindi ko ibinigay sa'yo ng ganun ganon lang kung paluluhain mo rin lang. Mabait siyang bata at masunurin kaya ibigay mo sakanya ang doble pa sa pagmamahal namin sakanya at respeto mo. Maasahan ko ba ang fidelity mo sa aming anak, iho?"
"I have one word Sir, at may paninindigan. I will LOVE your daughter for as long as I am breathing. At kung dumating man na subukin kami ng tadhana, ipinangangako kong what ever problem may come, I will hold onto her. Unless siya ang kusang bumitaw." Seryosong saad ng binata.
Ngumiti ang hurado. "Maraming salamat iho. Kung dumating man ang time na magkakaproblema kayo, narito lang kami ng Mama ninyo. Huwag kang mahiyang magsabi sa amin, ha?" Malumanay na bilin nito sa manugang.
"Maraming salamat po!, kayo na ang gumawa ng paraan para makasal kami. Hindi man maganda ang umpisa ng mga plano namin, masaya ako dahil nagtapos naman ito sa minimithi ng puso ko."
Napahiwagaan ang Judge sa mga sinabi no Lexus. "Bweno, may isa pa akong kahilingan sa'yo." Tinantiya ang manugang muna. "Bigyan mo ako ng maraming apo!, alam mo ang pakiramdam ng nag-iisa lang kaya sana huwag kayong magtipid." Nakatawang pagtatapos ng ginoo. Napahalakhak si Lexus.
"Sure pa, I think a dozen is quite enough." Natatawa paring saad ni Lexus.
"Not bad." Tumayo ang nakangiti pa ring hurado at inakbayan ang manugang. "Bweno, umpisahan mo na ang pagkumpleto sa unang apo ko." at nagtatawanan sila na lumabas sa opisina mg Judge.
Hindi makita ni Lexus ang asawa sa ibaba. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya sa salitang ASAWA. Parang kailan lang ipinagtatabuyan siya ng mga magulang upang mag-asawa na. Now he's married, in a flash. Ano ba ang nararamdaman niya at halos shotgun wedding ang nangyari sakanila ni Gio?, nagsisisi ba siya? God help him, but, hindi niya makapa sa kanya puso ang pagsisisi na ikinasal siya ng wala sa oras.
Mga katok sa pintuan ang nagpabalikwas kay Gio sa kama. Naidlip pala siya pagkatapus ng hapunan ay hindi na nakihalubilo sa mga bisita at nagpa-alam na aakuat na dahil masama ang pakiramdam. Tumingin sa digital clock na nasa bedside table. 11:45, na pala.