Chapter 4

2.6K 86 2
                                    


LET ME LOVE YOU MORE

Written by: Emvilla



Paglabas ni Gio sa kanyang cottage ay unang napansin ng binata ang kanyang suot.


"Jeez, woman, wala ka ba talagang matinong isusuot?"


"What's wrong with my clothes?" Puzzled na tanong ng dalaga at pinasadahan ng tingin ang sarili.

Nakasout siya ng fitted t-shirt at short pants. Flat sandals ang sapin sa paa.

"Takaw gulo ka. Sa susunod na lumabas tayo mag jeans ka nalang." Seryosong saad ni Lexus.


"After this dinner wala ng kasunod. I'm sure." Naka-ngiting sagot ng dalaga at nagpauna na itong lumakad sa kinapaparadahan ng kotse ng binata.

Naiiling nnlng ma sumunod ang binata.


Alumpihit si Gio sa kina-uupuan. Nasa isang restaurant sila ni Lexus at katatapus lang maghapunan. Hinihintay ang inorder nilang inumim. Tumanggi ang dalaga sa hard drinks kaya

red wine lang sakanya, samantalang whiskey sa binata.


"Actually hihingi sana ako ng pabor saiyo kung maaari." Panimula nito. Lihim na umaasang hindi mapapahiya.

"By the way, may boyfriend or asawa ka na ba?" naalalang itanong ng binata. Baka may kasintahan na ito or worst may asawa na pala.


"Saan ba tutungo ang usapang ito?" Naguguluhang tanong ni Gio. Bakit pati ang kanyang love life ay kailangang isama ng lalakeng ito sa usapan?

"Sa sagot ng mga tanong mo, parehong wala. Sa tingin mo ba pupunta akong mag-isa sa lugar na ito kung mayroon?"


Tumango-tango ang binata. Nakahinga ng maluwag sa narinig na sagot ng dalaga.

"Can you be my girl?"


"Huh?" Nabigla ang dalaga sa narinig. Or tama nga ba ang pagkakarinig niya?


"You heard me right. Pero kunwari lang naman." Iglang bawi ng binata ng makitang nalukot ang mukha ng kaharap. "Ikaw ang magbigay ng set up. Ang importante lang sa akin ay may ipakikilala akong girlfriend sa mga magulang ko, especially sa aking ama."


"Teka, teka. Naguhuluhan ako sa mga sinasabi mo. Unang-una hindi tayo magkakilala. Pangalawa, anong tingin mo sa akin basta na lang papayag sa sinasabi mo? Bakit ako ang gagamitin mo sa iyong charade?" May galit ang boses ng dalaga pagkarinig sa mga sinabi ng binata.


Kung siya nga may sarili ding problema pagdating sa lalakeng gustong ipakasal sakanya ng ama. Ngunit hindi pumasok sa kanyang isip ang maghanap ng boyfriend just to escape her parents decision na ipakasal siya sa anak ng kaibigan ng mga ito.


On the second thought, bakit hindi? Hilingin din niyang magpanggap ito na BF niya at isasama sa probinsiya nila upang ipapkilala sa magulang.


"Why me? Marami naman sigurong iba diyan."


LET ME LOVE YOU MORE by: EmvillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon